Diocese of Baguio, humiling ng panalangin ng kaligtasan sa epekto ng bagyong Maring

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total reads

Humihiling ng panalangin ang Diyosesis ng Baguio para sa patuloy na kaligtasan laban sa nararanasang sama ng panahong dulot ng bagyong Maring.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Baguio Social Action Director Fr. Noli Panayo, sinabi nito na kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng Signal Number 1 ang lalawigan ng Benguet kaya’t patuloy na nararanasan ang mga pag-uulan maging ang pagbaha.

Ayon sa pari, may ilang kalsada sa lalawigan ang hindi madaanan dahil sa landslides.

“As of now, ‘yung kalsada na papuntang Halcema Highway ay still closed due to landslides sa municipality of Atok, Benguet,” pahayag ni Fr. Panayo sa Radio Veritas.

Samantala, may ilang tahanan din ang natabunan ng landslides partikular na sa bahagi ng Dominacan-Mirador Hill sa Baguio City kung saan tatlong katao ang kasalukuyan pang hinahanap.

Habang naiulat naman mula sa Barangay Central Ambiong sa La Trinidad ang tatlong bata na nasawi matapos ding matabunan ng landslide.

“May mga natabunan na bahay dito po sa may Dominican hill, malapit doon sa Mirador hill. ‘Yung isang member of the family na-rescue naman. Safe na siya pero ‘yung tatlo, isang lolo at dalawang apo ay still missing. Pero on-going na ‘yung search and rescue operations… Doon naman sa may Barangay Central Ambiong, tatlo yung namatay na bata. And we still have to confirm ito and pupuntahan natin ito later.” ayon kay Fr. Panayo.

Sa kasalukuyan, patuloy pang nangangalap ng datos ang Diyosesis at lokal na pamahalaan para sa kabuuang bilang ng mga naapektuhang pamilya at mga nasirang ari-arian..

Hinihiling naman si Fr. Panayo na patuloy nawang isama sa panalangin ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ang mga lubos na apektado ng bagyong Maring.

“Let’s continue to pray for one another. I ask everyone to please pray for us here in the Diocese of Baguio, especially those who were badly affected by this typhoon Maring,” saad ng pari.

Batay sa unang ulat, maliban sa mga pag-ulan, ang pagpapakawala ng tubig mula sa Ambuklao at Binga dam sa Benguet ang dahilan ng nararanasang pagbaha sa lalawigan partikular na sa Baguio City at La Trinidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 64,851 total reads

 64,851 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 143,677 total reads

 143,677 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 177,122 total reads

 177,122 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 212,421 total reads

 212,421 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 436,300 total reads

 436,300 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,425 total reads

 157,425 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top