Makabangon sa pinsalang dulot ng bagyong Maring, panalangin ni Bishop Mesiona

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga lubos na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Maring.

Idinadalangin ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na patuloy na patnubayan at bigyan ng lakas ng loob ng panginoon ang mga naapektuhang pamilya at residente.

Hiniling din ng Obispo sa panginoon na bigyan ng pag-asa para mabilis na makabangon ang naapektuhan ng bagyong Maring.

“Panginoon naming Diyos, Ikaw ang lumikha ng langit at lupa, patawarin Mo po kami sa aming pagkakasala. Nitong panahon ng matinding ulan at baha, hinihiling po namin ang Iyong patnubay at gabay. Nawa’y maka ahon kami sa sakunang ito,” panalangin ni Bishop Mesiona mula sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling din ni Bishop Mesiona, na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mission na nawa’y hipuin din ng Panginoon ang puso ng bawat isa na maging handa upang lubos na magampanan ang misyong magmalasakit para sa mga higit na nangangailangan ng tulong at kalinga.

“Hipuin mo po ang mga puso ng bawat isa sa amin upang handa kaming kumilos upang magtutulungan,” dagdag ng Obispo.

Samantala, ayon sa Obispo ligtas naman ang kanilang kalagayan sa Vicario Apostoliko, bagamat ilang bayan sa Palawan ang nakaranas ng mga pagbaha partikular na sa Puerto Princesa City, Espaniola, Brooke’s Point, Narra, at Quezon.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,840 total reads

 2,840 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,763 total reads

 4,763 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,149 total reads

 13,149 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,527 total reads

 50,527 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,798 total reads

 81,798 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,484 total reads

 158,484 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,093 total reads

 252,093 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,370 total reads

 73,370 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top