Seven Laudato Si Goals, isasakatuparan ng LSAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,094 total reads

Umaasa ang opisyal ng Justice, Peace and Integrity of Creation (JPIC) Office sa Rome, Italy na ang Laudato Si Action Platform (LSAP) ay makakatulong sa pagpapalawak at pagpapalaganap ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco tungo sa wastong pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Fr. Angel Cortez, OFM, vice director ng JPIC at miyembro ng steering committee ng LSAP na sa mga isinasagawang konsultasyon ay palaging isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga maralita na lubhang apektado ng mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran.

“Palagi kong sinasabi na huwag nating kalimutan ‘yung mga karaniwang tao tsaka ‘yung mga mahihirap na lalong impacted nitong climate change. Sila naman talaga ‘yung reason kung bakit natin ginawa ‘yung platform. Not only to raise awareness of catholic or christians, but also to really ask these people who are affected na makasama doon sa journey,” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Mayroong pitong sektor ang LSAP na kinabibilangan ng sektor ng mga pamilya, mga parokya at mga diyosesis, paaralan, healthcare communities, ekonomiya, iba’t ibang organisasyon at grupo, at mga nasa religious orders.

Layunin nito ang sama-samang pagtutulungan ng mga komunidad tungo sa pagiging mabuting katiwala ng kalikasan upang matagumpay na maisakatuparan ang Seven Laudato Si’ Goals.

Ito ay ang pagtugon sa hinaing ng mundo; pagtugon sa hinaing ng mga mahihirap; pagbuo sa ecological-sustainable economy; pagtataguyod sa simpleng pamumuhay; pagsuporta sa edukasyong ekolohikal; pagpapalaganap ng ekolohikal na espiritwalidad; at pakikipag-ugnayan at pakikilahok ng mga komunidad.

Samantala, isasagawa ang paglulunsad sa LSAP ngayong Nobyembre 14 kasabay ng paggunita sa World Day of the Poor.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 21,385 total reads

 21,385 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 53,528 total reads

 53,528 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 119,586 total reads

 119,586 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 138,889 total reads

 138,889 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 216,180 total reads

 216,180 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 116,462 total reads

 116,462 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top