Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Labanan ang mga sumisira sa kabuhayan ng mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total views

Hinamon ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang sambayanang Pilipino na manindigan at labanan ang mga kalakaran at polisiya na sumisira sa kabuhayan ng mga mahihirap.

Ito ang apela ng Obispo sa kanyang Liham Pastoral sa paggunita ng ika-limang WORLD DAY OF THE POOR ngayong November 14, 2021.

“Isa pang paraan ng pagtulong sa mahihirap ay ang paninindigan laban sa mga kalakaran na nagpapahirap at nagsasamantala sa kanila. Isa na rito ay ang pagsisira ng ating kapaligiran. Dito sa Palawan ang maraming mahihirap ay nabubuhay dahil sa kayamanan ng ating lupa, ng ating kabundukan at ng ating karagatan,” mensahe ng Obispo

Sinabi ni Bishop Pabillo na kaakibat din ang pagtulong at pagpapadama sa kapwa ng pagkalinga at pagmamalasakit.

“Magbahagi tao sa kanila, kahit na mahirap din tayo. Pinapaalaala sa atin ng ating programa ng Pondo ng Pinoy na kahit na maliit, kahit na bente singkong kusing na ibinibigay nang may pagmamahal, ay mahalaga at patungong langit. Makabibigay din tayo ng panahon sa pakikiisa sa pangangailangan ng iba sa pagbibigay ng aliw sa kanila. ,” mensahe rin ng obispo

Ipinagdarasal rin ni Bishop Pabillo na maging daan upang makapunta sa langit ang pakikipag-isa sa mga mahihirap.

Ayon sa Obispo, bukod sa pagababahagi ng tulong-pinansyal ay maari ring ipagdasal ang mga nasa laylayan ng lipunan na mapagtagumpayan ang hinaharap na mga hamon sa buhay.

Sa ika-15 ng Nobyembre 2021 ay pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral bilang paggunita ng simbahan sa World Day of the Poor.

Ito ang ika-limang taong paggunita ng simbahang katolika sa Pilipinas ng World day of the poor na inilunsad ng kaniyang Kabanalang Francisco upang alalahanin ang mga nakakaranas ng labis na kahirapan sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 4,192 total views

 4,192 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Andaming sumasawsaw

 108,445 total views

 108,445 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 154,035 total views

 154,035 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 155,869 total views

 155,869 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

META, maghihigpit sa mga kabataan online

 3,057 total views

 3,057 total views Inilunsad ng Meta Philippines, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga child safety advocates ang Screen Smart Philippines Ang digital literacy

Read More »
Scroll to Top