Labanan ang mga sumisira sa kabuhayan ng mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Hinamon ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang sambayanang Pilipino na manindigan at labanan ang mga kalakaran at polisiya na sumisira sa kabuhayan ng mga mahihirap.

Ito ang apela ng Obispo sa kanyang Liham Pastoral sa paggunita ng ika-limang WORLD DAY OF THE POOR ngayong November 14, 2021.

“Isa pang paraan ng pagtulong sa mahihirap ay ang paninindigan laban sa mga kalakaran na nagpapahirap at nagsasamantala sa kanila. Isa na rito ay ang pagsisira ng ating kapaligiran. Dito sa Palawan ang maraming mahihirap ay nabubuhay dahil sa kayamanan ng ating lupa, ng ating kabundukan at ng ating karagatan,” mensahe ng Obispo

Sinabi ni Bishop Pabillo na kaakibat din ang pagtulong at pagpapadama sa kapwa ng pagkalinga at pagmamalasakit.

“Magbahagi tao sa kanila, kahit na mahirap din tayo. Pinapaalaala sa atin ng ating programa ng Pondo ng Pinoy na kahit na maliit, kahit na bente singkong kusing na ibinibigay nang may pagmamahal, ay mahalaga at patungong langit. Makabibigay din tayo ng panahon sa pakikiisa sa pangangailangan ng iba sa pagbibigay ng aliw sa kanila. ,” mensahe rin ng obispo

Ipinagdarasal rin ni Bishop Pabillo na maging daan upang makapunta sa langit ang pakikipag-isa sa mga mahihirap.

Ayon sa Obispo, bukod sa pagababahagi ng tulong-pinansyal ay maari ring ipagdasal ang mga nasa laylayan ng lipunan na mapagtagumpayan ang hinaharap na mga hamon sa buhay.

Sa ika-15 ng Nobyembre 2021 ay pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral bilang paggunita ng simbahan sa World Day of the Poor.

Ito ang ika-limang taong paggunita ng simbahang katolika sa Pilipinas ng World day of the poor na inilunsad ng kaniyang Kabanalang Francisco upang alalahanin ang mga nakakaranas ng labis na kahirapan sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 20,415 total reads

 20,415 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 52,558 total reads

 52,558 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 118,616 total reads

 118,616 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 137,919 total reads

 137,919 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 215,268 total reads

 215,268 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top