Mandatory vaccination policy ng pamahalaan, tinutulan ng labor groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

Tinutulan ng ibat-ibang labor groups ang nakatakdang pagpapatupad ng pamahalaan ng mandatory vaccination policy para sa mga manggagawang on-site nagtatrabaho.

Ito ay para sa mga piling lugar na maituturing ng pamahalaan na mayroong sapat na suplay ng bakuna at hindi tatanggalin ang mga manggagawang hindi magpapabakuna.

Naninindigan ang Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Federation of Free Workers (FFW) AT Kilusang Mayo Uno (KMU) na hindi dapat ipinapatupad ang sapilitang pagpapabakuna dahil unang pinairal ng Department of Labor and Employment (DOLE) panuntunan laban sa mandatory vaccination ng mga manggagagawa.

Iginiit ng labor groups na nagdudulot ng takot sa mamamayan ang kakulangan ng ‘Information Drive’ upang ipabatid ang kahalagahan at mga mabuting maidudulot ng pagpapabakuna laban sa COVID-19.

“i-wrap up ng government yung kanilang information drive ‘bakit mahalagang mag-pabakuna?’ pero more importantly yung vaccination kasi it is not because people don’t want to be vaccinated but the other people are looking for nicer vaccine ,” pahayag ni SENTRO Deputy Secretary General Joanna Bernice Coronacion sa Radio Veritas

Binigyan diin naman ni KMU Secretary General Jerome Adonis sa Radio Veritas na walang malinaw na information drive ang pamahalaan sa benepisyo ng COVID 19 vaccine.

Suliranin din kay FFW President Atty.Sonny Matula ang kakulangan ng pamamaraan ng pamahalaan upang maihatid ang sapat na suplay ng bakuna sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas maging sa National Capital Region (NCR).

Kinundena rin ng mga opisyal ng labor ang pagpasa ng pamahalaan ng responsibilidad sa mga manggagawa upang makakuha ng COVID-19 test results gamit ang kanilang sariling salapi.

Binigyang diin ni Adonis ng KMU na sa halip na tulong ay pasanin sa mga manggagawang nakaranas ng labis na paghihirap ang panukala ng bunsod ng pandemya ay karagdagang pasakit pa ang pagpapatupad mismo ng sariling pamahalaan sa nasabing panukala.

Bagamat naniniwala ang simbahang katolika na mahalaga ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ay hindi naman ito dapat maging hadlang sa karapatan ng mga manggagawa sa pagkakaroon ng hanapbuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Perwisyo sa NLEx

 19,959 total reads

 19,959 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 56,460 total reads

 56,460 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 277,081 total reads

 277,081 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 311,749 total reads

 311,749 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 326,438 total reads

 326,438 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top