Pagsilang ni Hesus, nararapat kapanabikan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total views

Inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na si Hesus ang tunay na korona ng Mahal na Birheng Maria.

Ito ang pagninilay ng cardinal sa paggunita ng ika – 95 anibersaryo ng canonical coronation ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje o Birhen ng Antipolo.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang korona ng Mahal na Ina ay inialay para sa sanlibutan upang tubusin ang kasalanan ng tao.

“Tandaan natin na ang korona ni Maria ay hindi yung nakapatong sa ulo at gawa sa ginto at mga mamahaling bato; ang tunay na korona ni Maria ay si Hesus na dinala niya sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan ngunit nananatili sa kanyang puso habambuhay at ang koronang ito ay iniaalay niya sa atin,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Nagagalak si Cardinal Advincula na makalipas ang halos isang sentenaryo mula ng koronahan ang imahe ng Mahal na Birhen ay nakikita pa rin ang buhay at malagong debosyon ng mamamayan.

Binigyang pansin ng Kardinal ang pagdiriwang sa anibersaryo ng koronasyon ay kasabay ng pagpasok ng simbahan sa panahon ng paghahanda sa kapanganakan ni Hesus kaya’t hinikayat ang mananampalataya na gawing makabuluhan ang paghihintay sa pagdating ng Manunubos.

Sinabi ni Cardinal Advincula na dapat kapananabikan ang pagsilang ni Hesus na nagbibigay liwanag, kapanatagan, kapayapaan at pag-asa lalo na sa gitna ng matinding pagsubok ng pamayanan tulad ng karanasang dulot ng COVID-19 pandemic.

Ikinalungkot ng cardinal na marami ang nakalilimot sa Panginoon sa mga panahong nakararanas ng kaginhawaan.

“When every aspect of our lives is going well, we tend to forget God but when it gets tough we suddenly remember him, we go back to him and ask for his help, we treat God as a genie that we call on to only when we need him,” ani Cardinal Advincula.

Umaapela si Cardinal Advincula sa daang-daang deboto na dumalo sa pagtitipon na dinggin ang panawagan ng Mahal na Ina na tanggapin si Hesus sa bawat buhay upang makamtan ang kaligtasan.

November 28, 1926 ng putungan ng korona ang Our Lady of Peace and Good Voyage ni noo’y Manila Archbishop Michael O’Doherty sa seremonyang ginanap sa Luneta Manila.

Samantala sa panayam ng Veritas Patrol kay Norberto Mendoza, Chairman ng National Shrine Ministry inaanyayahan nito ang mananampalataya na makikiisa sa paghahanda sa ikaapat na sentenaryo ng pagdating ng imahe ng Mahal na Birhen ng Antipolo sa Pilipinas mula Mexico.

“Tayo po ay nagagalak at nagbubunyi dahil malapit na po ang 400 years ng ating Mahal na Ina at the same time 100 years ng kanyang canonical coronation sa 2026 kaya antabayan po ninyo ang aming mga announcements within 5 years maryroon pong mga events, bibisitahin po namin ang mga parishes,” pahayag ni Mendoza sa Radio Veritas.

Kasabay ng canonical coronation anniversary inilunsad din ng National Shrine Ministry ang official logo sa 5-year celebration ng 400-Years of arrival ng imahe.

Bukod kay Cardinal Advincula nakiisa rin sa pagdiriwang si Antipolo Bishop Francisco De Leon, Antipolo Auxiliary Bishop Noli Buco, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Military Bishop Oscar Jaime Florencio, mga pari ng diyosesis at ang religious men and women.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 18,123 total views

 18,123 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 46,128 total views

 46,128 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 63,928 total views

 63,928 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 63,187 total views

 63,187 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 174,323 total views

 174,323 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 8,373 total views

 8,373 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top