Mga simbahan sa Diocese of Maasin, binuksan sa mga apektado ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 830 total reads

Binuksan ng Diyosesis ng Maasin, Southern Leyte ang mga simbahan na maging pansamantalang matutuluyan ng mga apektado ng bagyong Odette.

Ayon kay Maasin Bishop Precioso Cantillas, sapilitang pinalikas ang mga residente lalo na sa mga naninirahan sa tabing-dagat upang maiwasan ang panganib mula sa pananalasa ng bagyo.

“Forced evacuation na ang mga naninirahan sa tabing dagat. May mga evacuees na kinupkop sa mga covered court or gymn ng mga parokya, kagabi hanggang ngayon,” pahayag ni Bishop Cantillas sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng obispo na ipinagpatuloy pa rin kanina ang unang simbang gabi sa diyosesis bagamat bahagya nang nararamdaman ang epekto ng bagyong Odette sa lalawigan.

“Natuloy ang mga simbang gabi kanina sa mga parokya at kapilya dito sa Maasin kahit na simula pa kahapon ay ramdam na ang pag-uulan at ihip ng hangin mula sa bagyo,” ayon sa obispo.

Samantala, dalangin naman ni Bishop Cantillas ang ganap na kaligtasan ng lahat laban sa pananalasa ng bagyo at manaig sa bawat isa ang pagmamalasakit at pagtutulungan.

“O maawaing Ama, iligtas N’yo kami sa malubhang pinsala na magiging dulot nitong Bagyong Odette. Nawa’y madama namin ang Iyong kalinga at pagmamahal sa mga sandaling ito, at nawa’y patuloy din ang pagtutulungan namin sa isa’t isa. O, Mahal naming Patrona sa Diyosesis ng Maasin, ang Birhen ng Asuncion, tulungan mo kaming lahat na maligtas sa lahat ng pinsala,” panalangin ng Obispo.

Naunang nagpahayag ang Archdiocese of Cagayan de Oro at Diocese of Surigao na bukas ang kanilang mga simbahan sa mga evacuees.

Sa ulat ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyong Odette sa layong 175 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometro kada oras patungo sa direksyong pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sense of entitlement!

 63,537 total reads

 63,537 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 83,472 total reads

 83,472 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 161,859 total reads

 161,859 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 206,169 total reads

 206,169 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 241,060 total reads

 241,060 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 114,362 total reads

 114,362 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top