No to single-use plastics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Hinimok ng Climate Change Commission ang mamamayan na iwasan ang paggamit ng single-use plastics at pagsasayang ng mga pagkain ngayong Pasko.

Ayon kay CCC Commissioner, Attorney Rachel Anne Herrera, dahil sa pagluwag ng kalagayan ng bansa ngayong pandemya, nagbabalik na rin ang mga christmas party na inaasahang makakalikha ng mga basura mula sa mga regalo, gayundin ang masasayang na pagkain.

Sinabi ni Herrera na mahalaga pa ring isaalang-alang sa mga pagtitipon ang paggamit ng mga reusable materials na makakatulong upang mabawasan na makadagdag sa lumalalang plastic pollution sa bansa.

“We can avoid buying single-use products as gifts; we can use eco bags for our shopping and grocery; and we can choose reusable cutleries and tumblers sa mga handaan at gatherings,” pahayag ni Herrera sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ng opisyal na maaari namang gawin ang pagbabahaginan at pagsasalusalo sa halip na magkakahiwalay na pagkain dahil ito ang mas nagiging sanhi ng pagsasayang ng pagkain at pagdami ng food wastes.

“We can go for meal sets instead of boxed meals to minimize food and packaging waste and we can share food imbis na masayang at itapon,” saad ni Herrera.

Paalala naman ni Herrera na patuloy pa ring sundin ang minimum health protocols sa mga pagtitipon upang mapanatili ang kaligtasan sa banta ng COVID-19 transmission.

Samantala, patuloy din ang simbahan sa pagtataguyod ng makakalikasang pagdiriwang ng Pasko ng pagsilang ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng inang kalikasan na ating nag-iisang tahanan, gayundin ang pag-aalala sa mga higit na apektado ng mga sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,073 total reads

 79,073 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,240 total reads

 157,240 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,688 total reads

 190,688 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 225,984 total reads

 225,984 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,355 total reads

 449,355 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,786 total reads

 157,786 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top