Kinatawan ng Santo Papa, binisita ang mga nasalanta ng bagyo sa Surigao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 638 total reads

Nakiisa ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga nasalanta ng bagyong Odette lalo na sa Surigao Del Norte na sakop ng Diyosesis ng Surigao, isa sa labis napinsala ng bagyo.

Sa pamamagitan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na nagtungo sa Siargao Island kasabay ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang upang makiisa sa mga naapektuhan ng kalamidad at ipadama ang pagdamay ng simbahan.

Ika-10 ng umaga nang pangungunahan ng nuncio ang misa sa Del Carmen Parish habang sa hapon naman ay binisita ni Archbishop Brown ang mga napinsalang parokya sa Siargao Island.

Sa December 26, magtutungo ang kinatawan ni Pope Francis sa Surigao City para magmisa sa Surigao Cathedral na susundan ng pagbisita sa mga parokyang nasalanta ng bagyo.

Sa December 27 naman, bisitahin din ng arsobispo ang Dinagat Island para alamin ang lawak ng pinsalang tinamo sa lugar maging ang mga Parokya.

Ang tatlong araw na pagbisita ng nuncio sa diyosesis ay tanda ng pagdamay at pagkalinga sa kawan ng Diyos na ipinagkatiwala ng Santo Papa sa pangangalaga ni Archbishop Brown bilang kinatawan sa Pilipinas.

Sa pananalasa ng bagyong Odette noong December 16, nagpaabot ng panalangin at pakikiisa si Pope Francis sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas

Unang nag-landfall ang bagyo sa Siargao Island ang bagyo at nanalasa sa malaking bahagi ng Surigao Del Norte dahilan sa mahigit isang bilyong pinsala sa agrikultura habang milyung milyong pisong pinsala sa imprastraktura kung saan 13 milyong piso sa private sectors kabilang na ang mga simbahan.

Nagpaabot naman ng paunang tulong na 500-libong pisong halaga ang Caritas Manila-ang social arm ng Archdiocese of Manila bukod pa ang kalahating milyong pisong ibinigay ng arkidiyosesis mula sa second collection ng mga parokya.

Patuloy ang pakikipag ugnayan ng Caritas Manila kay Surigao Bishop Antonieto Cabajog para sa karagdagang pagtugon ng Simbahan lalo na sa rehabilation and recovery ng mga napinsalang istruktura at bahay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 99,717 total reads

 99,717 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 176,602 total reads

 176,602 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 210,050 total reads

 210,050 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 245,350 total reads

 245,350 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 468,053 total reads

 468,053 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top