Pari, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kakulangan sa healthcare workers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 965 total reads

Muling nanawagan sa pamahalaan ang Philippine General Hospital Chaplaincy kaugnay sa kakulangan ng healthcare workers sa mga ospital sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon kay PGH Chaplain head at Jesuit priest Marlito Ocon, nawa’y dinggin na ng Administrasyong Duterte ang matagal nang hinaing ng mga healthcare workers na pahinga at makakatuwang sa paglutas sa pandemya.

Aniya, lubos nang nahihirapan ang mga medical frontliners dahil sa labis na oras ng pagtatrabaho dulot ng kakulangan sa mga empleyado sa mga ospital na nagiging sanhi na rin ng pagkakasakit.

“Sana po pakinggan ng pamahalaan ang hinaing ng mga healthworkers na hanapan ng paraan… Sana matugunan din nila kung ano ba talagang problema at hindi sila maka-hire ng mga pansamantalang hahalili sa mga nagkakasakit na medical workers,” pahayag ni Fr. Ocon sa Radio Veritas.

Giit ng Pari na tila walang konkretong solusyon ang pamahalaan hinggil sa suliranin ng sektor ng kalusugan kaya’t magpahanggang-ngayon ay nahihirapan ang bansa na malunasan ang umiiral na pandemya.

“So, parang madalas ang sagot ay wala talaga. Parang hinayaan na ganon na wala talagang magawa. Kung totoo man na wala talaga e magsa-suffer talaga tayong lahat,” giit ng Pari.

Nauna nang sinabi ni Fr. Ocon na hindi na takot sa virus ang kalaban ng mga health workers, kundi ang pagkapagod sa misyong lunasan ang karamdaman ng mga pasyenteng lubos na apektado ng COVID-19.

Ayon sa tagapagsalita ng ospital na si Doctor Jonas del Rosario, nasa halos 400 empleyado nito ang nagpositibo sa virus.

Samantala, kasalukuyan ding nasa 300 na ang COVID-19 patients sa PGH kung saan 25-porsyento rito ang nakakaranas ng mild symptoms, 35-porsyento ang moderate, 20-porsyento ang severe, at 10-porsyento naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Habang naitala naman ng Department of Health ang 34,021 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa dahilan upang umabot sa 237,387 ang aktibong kaso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 150,470 total reads

 150,470 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 223,481 total reads

 223,481 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 256,929 total reads

 256,929 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 292,228 total reads

 292,228 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 512,909 total reads

 512,909 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 159,969 total reads

 159,969 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top