Pope Francis, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 585 total reads

Nagpaabot ng paunang tulong pinansyal ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga mamamayang nasalanta ng bagyong Odette noong Disyembre.

Sa pamamagitan ng Dicastery for Promoting Integral Human Development at pakikipagtulungan ng Apostolic Nunciature in the Philippines naglaan ng 100-libong Euro si Pope Francis o katumbas sa mahigit limang milyong piso para sa rehabilitasyon ng mga nasirang tahanan at simbahan sa mga lalawigang labis napinsala ng kalamidad.

Ito ay pakikiisa ng Santo Papa sa kahirapang naranasan ng mamamayan bilang pinunong pastol ng simbahang katolika.
“It is intended to be an immediate expression of the Holy Father’s sentiment of spiritual closeness and paternal encouragement towards the people and territories affected,” ayon sa pahayag ng Vatican.

Matatandaang sa Angelus ng Santo Papa noong December 19, 2021 agad itong nagpaabot ng panalangin para sa mga biktima ng sakunang dulot ng malakas na bagyo kung saan halos sampung milyong indibidwal ang naapektuhan.

Sa kasalukuyan puspusan din ang pagkilos ng social arm ng simbahan kabilang na ang Caritas Philippines at Caritas Manila para sa relief, rehabilatation at reconstruction sa sampung diyosesis na labis ang pinsalang natamo.

Umaabot na sa 20-milyong piso ang naibahagi ng Caritas Manila na cash assistance sa mga apektadong lugar kabilang na ang Diyosesis ng Surigao, Tagbilaran at Talibon sa Bohol, Maasin, Cebu, Kabankalan at Dumaguete sa Negros provinces, Taytay at Puerto Princesa sa Palawan at ang Archdiocese of Cagayan De Oro.

Patuloy naman ang Caritas Philippines sa paglilibot sa mga apektadong lugar sa pangunguna ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang national director ng grupo upang personal na mag-abot ng tulong pinansyal at alamin ang lawak ng pinsala para sa pagtugon ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 12,927 total reads

 12,927 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 51,215 total reads

 51,215 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 69,425 total reads

 69,425 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 153,753 total reads

 153,753 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 190,491 total reads

 190,491 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,706 total reads

 1,706 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top