Pag-uusap ng mananampalataya, mahalaga sa paglago ng Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total views

Inihayag ng Opisyal ng Social Action arm ng Archdiocese of Manila na mahalaga ang pag-uusap ng mananampalataya para sa ikauunlad ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Father Anton CT. Pascual, ito ang inaasahang bunga sa isinagawang konsultasyon ng Simbahan kaugnay sa ‘Synod on Synodality’ na inilunsad ni Pope Francis bilang paghahanda sa ‘Synod of Bishops’ sa 2023.

Sinabi ng Pari na malaki ang maitutulong sa Simbahan ng mga mungkahing ibinibigay ng mananampalataya mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Mahalagang magkaroon ng bahaginan o dialogue ang buong Simbahan sa pasasalamat at sa mga magagandang programa sa kinabukasan upang lalong lumakas ang pananampalataya at makita ito sa salita at gawa at lalong lumakas ang paghahari ng Panginoon sa ating lipunan,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ng Opisyal na napakagandang pagkakataon ang ibinigay ng Santo Papa sa mananampalataya na mapakinggan ang saloobin para sa ikauunlad ng Simbahan.

January 23 nang ginanap ang Mass of Synodality sa Chapel of Padre Pio sa Shangri-la Mandaluyong na pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na dinaluhan ng mananampalatayang mula sa iba’t ibang lugar at komunidad.

Ayon naman kay Maria Socorro Villar, Assistant Pastoral Coordinator ng Padre Pio Chapel community, mahalagang pagkakataon ang ipinagkaloob ni Pope Francis sa mamamayan na bumubuo sa Simbahang Katolika.

“It is a very refreshing and a welcome opportunity that Pope Francis gave us, to hear our voices, to hear the very people who comprise the church, yun ang importante,” ani Villar.

Ikinalugod naman ni Elmer Geconcillo, Pastoral Head ng komunidad na ang lahat ng naglilingkod sa Padre Pio Chapel ay pawang servant leaders na nagbahagi ng panahon sa paglilingkod sa Panginoon.

Bukod pa rito ang pakikiisa at suporta ng mananampalataya sa pamamagitan ng mga donasyon tuwing Misa na ibinabahagi sa mga programa ng Caritas Manila.

“Ang mga tao they give more kasi nakikita nila we are here para sa project ng Caritas Manila; nung nalalaman nila na we have so many projects like mga scholarship programs, helping the poor during calamities, they keep on giving,” pahayag ni Geconcillo

Patuloy ang panawagan ni Fr. Pascual sa mananampalataya na magkaisa sa iisang hangaring pagbutihin at suportahan ang Simbahan na kumakalinga sa mamamayan lalo na ang mahihirap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 10,878 total views

 10,878 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 135,289 total views

 135,289 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 178,692 total views

 178,692 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 259,379 total views

 259,379 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top