Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpapalawig ng limited face to face classes, suportado ng CEAP

SHARE THE TRUTH

 543 total views

Sinuportahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pagpapalawig sa Pebrero ng Department of Education (DepEd) sa limited face to face classes para sa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Levels 1 at 2.

Ayon kay Jose Allan Arellano – Executive Director ng CEAP, napapanahon na ang panunumbalik ng klase matapos ang mahigit dalawang taon nitong pagkaantala higit na sa mga lugar kung saan mababa ang kaso ng COVID-19.

“So there you know if there’s no reason why there would be more in excemptions then the students should already go back to school especially the areas that really have been declared as level 1 or level 2,” ayon sa panayam ni Arellano sa Radio Veritas.

Inaalala ng CEAP ang standing ng Pilipinas sa dulo ng mga bansang nangunguna sa larangan ng Siyensa at Agham sa sektor ng Edukasyon.

Ayon kay Arellano, sa panunumbalik din ng mga klase ay kanilang inaasahan ang pananatili ng Hybrid Learning System.

Dito ay magkakaroon parin ng Modulars at Online classes kasabay ng mga face to face classes ng sa mga paaralan habang nanatili ang banta ng COVID-19.

“it’s not going to be a regular face to face anymore na parang magiging sa malawakan yan the next 2 or 3 years magiging hybrid system yan, may ibang mapapasok, mayroong iba modules etc mayroong online presently many of our school are using online and modular,” pagbabahagi pa ni Arellano.

Sa naunang pagdaraos ng face to face classes sa higit dalawang-daang paaralan noong November 15 hanggang December 22 2021, ay itinuring itong matagumpay na Hakbang ng Deped.

Aprubado narin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng hakbang sa mga lugar kung saan umiiral at Alert Levels 1 at 2.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Karlos Nograles, magiging magkatuwang ang DepEd at Department of Health sa mga assesments kasama ang mga Lokal na pamahalaan bago idaos ang mga klase.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para saan ang confidential funds?

 23,397 total views

 23,397 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 34,561 total views

 34,561 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 70,839 total views

 70,839 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 88,641 total views

 88,641 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567