LASAC, naka-monitor sa kalagayan ng Taal Volcano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 839 total reads

Patuloy ngayong binabantayan ang sitwasyon ng Bulkang Taal matapos ang phreatomagmatic burst noong January 29.

Ayon kay Christopher Olave, Disaster Management In-charge ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), tuloy-tuloy lamang ang paghahanda ng arkidiyosesis para sa mga posibleng maganap sakaling lumala ang sitwasyon ng Taal Volcano.

Kaakibat nito ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para mabantayan ang kalagayan ng Bulkang Taal, maging ang pagpapadala ng mga volunteer upang makapangalap ng impormasyon mula sa paligid.

“Continuous ang communication natin sa PHIVOLCS at pag-live monitoring ng ating CCTV na nakatutok sa bulkan. Tuloy-tuloy din po ang pangangalap ng impormasyon ng ating mga volunteers natin from the ground,” pahayag ni Olave sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ni Olave na nakikipagtulungan din ang Arkidiyosesis ng Lipa sa lokal na pamahalaang panlalawigan ng Batangas batay na rin sa bilateral understanding na nilagdaan noong Agosto 2021.

Ito’y hinggil sa pagtugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhang pamilya sakaling magkaroon ng anumang sakuna.

“The Archdiocese also has a partnership with the Provincial Government of Batangas if in case na kailanganin ng tulong tulad po ng pagkakaroon ng mga evacuation centers for the worst case scenario,” ayon kay Olave.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, nananatiling nasa alert level 2 ang Bulkang Taal habang naramdaman naman sa nakalipas na 24 na oras ang walong volcanic earthquakes at malakas na volcanic plume o pagsingaw na aabot sa 600 metro ang taas.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa Main Crater upang maiwasan ang anumang panganib mula sa aktibidad ng bulkan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 13,319 total reads

 13,319 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 112,324 total reads

 112,324 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 156,594 total reads

 156,594 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 179,705 total reads

 179,705 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 254,053 total reads

 254,053 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,502 total reads

 144,502 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top