Simbahan, mananatiling non-partisan sa May 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Muling tiniyak ng obispo na mananatiling non-partisan ang simbahan at hindi mag-eendorso ng pulitiko sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Novaliches bishopc emeritus Teodoro Bacani Jr., bagama’t walang batas na pumipigil sa mga pari na makialam sa pulitka, sinasaad naman sa batas ng simbahan na hindi maaring kumandidato o mag-endorso ang mga pari o obispo.

Paglilinaw naman ni Bishop Bacani na maari namang ikampanya ng simbahan ang mga pulitiko na huwag ihalal ng publiko kung malinaw na isinusulong ang polisiya na labag sa paninindigan ng simbahan at magdudulot ng panganib sa mamamayan.

“Under normal circumstances hindi ka dapat tumukoy ng pangalan, pero kung merong isang tao na talagang makasasama sa bayan talagang pwede ka namang lumaban na hayagan dun sa taong malinaw na makasasama sa bayan,” ayon kay Bishop Bacani.

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay na rin sa One Godly Vote campaign ng Radyo Veritas -isang voters education campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila na nagbibigay ng gabay sa mga botante sa tamang pagpili ng ihahalal na pinuno ng bansa.

Matatandaang taong 2013 nang hayagang tutulan ng simbahan ang ilang kandidato na bumoto pabor sa Reproductive Health Law -na tinututulan ng simbahan dahil sa mga nakapaloob na probisyon na laban sa kasagraduhan ng buhay kabilang na ang paggamit ng ‘artificial contraceptives’.

Ang Team Patay vs Team Buhay campaign tarpaulin ay matatagpuan sa iba’t ibang parokya at institusyon ng simbahan.

Tinatayang may 67 milyon ang registered voters na makikiisa sa nalalapit na halalan sa Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang linggong pagiging

Read More »

Krisis sa bukid at laot

Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng mga mamamayan.

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top