834 total views

Homiliya para sa Pang-anim na Linggo sa Karaniwang Panahon, Ika-13 ng Pebrero 2022, Lk 6:17,20-26

Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. May pagka-narcissist, ika nga sa psychology.

Minsan isang gabi, nanaginip siya. Naglalakad daw siya sa mga ulap hanggang nakakita siya ng isang malaking salamin. Dahil mahilig siyang tumingin sa itsura niya, excited siyang lumapit at tumingin sa sarili. Laking gulat niya sa nakita niya. Pangit siya. Payat na payat na parang buto’t balat. Maputlang-maputla, matamlay, parang malnourished, luwa ang mata at wala nang ngipin.

Gumalaw-galaw siya para tiyakin kung sarili nga ba niya ang nakikita sa salamin, dahil ibang-iba na nga ang itsura. Siya nga. Pero kapag tumingin siya sa sariling katawan niya, parang katulad pa rin naman siya ng dati—makinis ang kutis, matipuno, malakas, malusog, dahil sagana sa pagkain at mahilig magwork-out. Pero pagtingin sa salamin—mukha nga siyang gusgusin na parang taong-grasa sa kalsada.

Nagdasal daw siya sa Diyos. Sinabi niya, “Lord, pinakikita mo ba sa akin ang kahihinatnan ko sa kabilang buhay? Ibig bang sabihin nito impyerno ang patutunguhan ko pagkamatay ko? Ganyan ba ang magiging itsura ko doon?”

Sumagot naman daw ang Diyos sa kanya at ang sabi’y, “Hindi, anak. Ikaw iyan ngayon. Ang nakikita mo sa salamin ay hindi ang iyong hinaharap kundi ang iyong kasalukuyang buhay. Kaya lang, ibang klaseng salamin iyang nasa harapan mo. Iyan ang salamin ng langit. Ang mga salamin kasi ninyo sa lupa walang ipinakikita kundi panlabas na itsura lamang ninyo. Ang salamin ng langit iba ang ipinakikita—iyung tunay na mahalaga sa pagkatao ninyo. At ito ay ang nasa kalooban ninyo. Kaya ang nakikita mo ay ang kasalukuyang itsura ng iyong kaluluwa.”

Sabi pa daw ng Diyos, “Dahil mahal kita, anak, naaawa ako sa iyo, nalulungkot ako sa ginagawa mo sa sarili mo. Sa katawan ka lang maganda, malusog at masigla. Sa metryal ka lang sagana. Pero ang kaluluwa mo ay maysakit, mahinang-mahina, namamatay na sa gutom at uhaw, nag-aagaw-buhay. Kaya ko nga ipinakikita sa iyo dahil buhay ka pa. Kaya mo pang magbago, kung babaguhin mo ang pangit na pag-uugali mo. Alam kong alam mo ang lahat ng paraan sa mundo para mapalakas ang katawan at kalusugan mo, mapaganda ang katawan mo, ang mukha mo, ang image mo. Pero hangga’t sarili mo lang ang kaya mong alagaan, pinahihina mo ang kaluluwa mo.”

Naiyak daw siya at nagmakaawa, “Lord, kahit ano po gagawin ko para bumalik sa sigla ang kaluluwa ko. Ano po ba ang dapat kong baguhin sa ugali ko para gumanda rin ang kalooban ko?” Sumagot ang Panginoon at ang sabi niya, “Sa bawat kapwa-tao na pagmalasakitan mo, sa bawat nagugutom na painumin mo, sa bawat nauuhaw na painumin mo, sa bawat nalulungkot na aliwin mo, sa bawat maysakit na kalingain mo, sa bawat api na ipagtanggol mo, magbabago ang kalooban mo. Lulusog ang kaluluwa mo. Gaganda ang pagkatao mo.”

“Hindi mabubuo ang pagkatao mo kung makasarili ka. Sa pakikipagkapwa—mas lalo kang magiging malakas at masigla. Hindi gaganda ang pagkatao mo kung hindi ka matutong magmahal na totoo, magparaya, magkaroon ng layunin na higit pa sa sarili mo. Gawin mo lahat ng ito at makikita mo, sa salamin ng langit ikaw ay magiging pabata nang pabata hanggang sa maging mistulang sanggol upang maghanda na maisilang kang muli sa kabilang buhay.”

Ang punto ng kuwento, ang kabilang-buhay na hinahangad natin ay nagsisimula na dito sa mundo, kung matuto lang tayong tumingin kahit paminsan-minsan lang, sa salamin ng langit. Parang ganito rin ang punto ni Hesus sa narinig nating pangaral niya sa ebanghelyo ni San Lukas, tungkol mga tunay na mapalad at sawimpalad dito sa mundo.

Hindi naman hangad ni Hesus na i-romanticize ang karukhaan, ang gutom, pagtangis at pagiging kawawa. At hindi rin niya sinasabi na masama ang mabuhay na maginhawa, busog, masaya at hinahangaan. Nagiging parang sumpa lamang ang ating mga makamundong pagpapala kapag nabulag tayo ng mga ito at hindi na natin makita ang tunay na anyo ng ating kaluluwa sa salamin ng langit. Akala natin mapalad tayo; sawimpalad pala.

May isinulat si San Juan sa Book of Revelations (Pahayag), na parang ganito rin ang sinasabi. Inilaan ng apostol ang unang tatlong chapters ng Book of Revelation sa kanyang pitong sulat sa pitong simbahan ng Asya tungkol sa mga visions o pangitain na nakita niya sa salamin ng langit. May sulat para sa Ephesus, Smyrna, Pergamum, Thyatira, Sardis, Philadelphia at Laodicea. Sa pinakahuling sulat niya sa bayan ng Diyos sa Laodicea, ganito ang sabi niya sa Rev. 3:17-20,

“Sinasabi ninyo, ‘Mayaman na kami, sagana na sa lahat ng bagay at wala nang ibang pangangailangan.’ Ngunit hindi ninyo nalalaman na sa totoo lang, kayo’y dukha ng tanang dukha, kaawa-awa, kahabag-habag, bulag sa katotohanan at hubad sa paningin ng Dios. Kaya pinapayuhan ko kayo, sa akin kayo humiling ng ginto na dinalisay sa apoy upang maging totoong mayaman kayo… Bumili rin kayo sa akin… ng gamot sa mata upang makita ninyo ang katotohanan. Ang lahat ng minamahal ko ay tinutuwid ko at sinasaway. Kaya magsisi kayo at ituwid ang ugali ninyo. Narito ako sa labas ng pintuan ninyo at kumakatok. Kung may makarinig sa akin at pagbuksan ako ng pinto, tutuloy ako, at makakasalo niya ako sa hapag-kainan.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 38,881 total views

 38,881 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 44,299 total views

 44,299 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 51,006 total views

 51,006 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 65,800 total views

 65,800 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 71,956 total views

 71,956 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AWAKENING

 787 total views

 787 total views Homily for Tuesday of the 6th Week of Easter, 07 May 2024, Jn 16:5-11 Pope Francis, in his dialogue with parish priests, told a story about a man who had a conversion experience and told the then archbishop how it happened and how he believed that he was being called by the Lord

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SINASAMBA KITA

 1,171 total views

 1,171 total views Homiliya para sa Ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay, Ika-5 ng Mayo 2024, Juan 15:9-17 (Pista ng Mahal na Ina ng Grasya) Kagagaling namin sa Roma, sa International Synodal Consultation for Parish Priests. Ang huling araw ang pinakahinihintay ng mga pari—ang audience with the Holy Father. Habang nakapila kami, isa-isa kaming sinasabihan ng audience

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WALANG PINAPANIGAN?

 12,125 total views

 12,125 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-7 ng Marso, Lk 11:14-23 Pinagaling daw ni Hesus ang isang pipi kaya nakapagsalita ito. Ang dating walang imik ngayon ay nagkaroon ng tinig. Ano ang reaksyon ng iba? Trabaho daw ng dimonyo ang pagpapagaling na ginawa niya. Madalas pa ring mangyari ang ganyan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“TEN COMMITMENTS”

 10,957 total views

 10,957 total views Homily for Wed of the Third Week of Lent, 6 March 2024, Mt 5:17-19 May nakilala akong isang app developer. May binabalak daw siyang gawin na kakaibang app, idodonate daw niya sa Catholic Church if we are interested: “Online Confession App”. Gagawin daw niyang user-friendly. Automatic daw, magla-log-in lang ang penitent at may

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAY IT FORWARD

 10,943 total views

 10,943 total views Homily for Tuesday of the Third Week of Lent, Mt 18:21-35 Today’s Gospel reminds me of the old version of the Lord’s Prayer. I am referring in particular to that part in the prayer that says “And forgive us our sins as we forgive those who sin against us.” The old version says,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOU ARE THE MAN!

 10,942 total views

 10,942 total views Homily for Friday of the 2nd Week of Lent, 1 March 2024, Mt 21:33-43, 45-46 Today’s Gospel reading reminds me of that story in the 2nd book of Samuel chapter 11 about the sin of David. Remember that passage about David having an affair with Bathsheba, the wife of his soldier Uriah? How

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BANGUNGOT

 10,945 total views

 10,945 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalawang Linggo ng Kuwaresma, 29 Pebrero 2024, Lukas 16:19-31 “Bangungot” ang tawag natin sa masamang panaginip. “Nightmare” sa English. Parang bangungot ang dating ng kuwento ng mayaman sa ebanghelyo. Sorry, wala siyang pangalan. Obvious ang “bias” ng awtor—ang may pangalan sa kuwento ay ang mahirap, ang busabos na

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YOUR WILL BE DONE

 10,947 total views

 10,947 total views Homily for Wednesday of the Second Week of Lent, 28 February 2024, Mt 20:17-28 The two disciples in today’s Gospel remind me of that dancing girl in the story of the beheading of John the Baptist. Remember that scene when the drunken governor of Gailee, Herod Antipas, after being so pleased with the

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“Ang Pagbabagong-Anyo ng Bayang Filipino”

 10,950 total views

 10,950 total views Naisip na ba ninyo, kung hindi naganap ang EDSA PPR, ano na kaya ang nangyari sa ating bayan mula sa araw na iyon ng Feb 25, 1986? Kung walang mga milyong tao na pumagitna sa mga armadong puwersa ng gubyerno at puwersa ng mga nagrebelde, baka umagos nang husto ang dugo sa EDSA.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANATA

 14,258 total views

 14,258 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 16 Pebrero 2024, Mt 9:14-15 Dahil hindi na yata matiis ng parish priest na makita ang isang babaeng lumalakad na paluhod habang nagrorosaryo, nilapitan niya ito at sinabihan, “Hindi ba pwedeng magdasal ka na lang na nakaupo o nakaluhod sa luhuran? Ba’t ba kailangan

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

AKALA KO KASI

 14,251 total views

 14,251 total views Homiliya para sa Huwebes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 15 Pebrero 2024, Lk 9:22-25 Tungkol sa pagpili ang mga pagbasa natin ngayon. Parang ang simple simple dahil dalawa lang ang pagpipilian. Sa unang pagbasa—buhay o kamatayan, alin ang pipiliin mo? Sa Salmong Tugunan—mabuti o masama, alin sa dalawa? Sa ebanghelyo, pagkalugi o pakinabang?

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

WHAT I DID FOR LOVE

 14,252 total views

 14,252 total views Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 14 Pebrero 2024, Mat 6:1-6, 16-18 Tumama sa taóng ito ng 2024 ang Valentines Day sa Ash Wednesday o Miyerkoles ng Abo, ang simula ng Kuwaresma para sa ating mga Katoliko. Sasabihin ko ba sa mga nagbabalak na mag-celebrate ng araw ng mga puso, “Sorry, wala munang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SENSE OF ENTITLEMENT

 14,216 total views

 14,216 total views Homily for Tuersday of the 6th Wk in Ordinary Time, 13 Feb 2024, Mk 8:14-21 “Nagmamaaang-maangan” is a Tagalog expression that best describes the disposition of the disciples in today’s Gospel. They did not really forget to bring bread with them. But they were pretending as if they had forgotten. I have a

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KAPANGYARIHAN NG SALITA

 22,792 total views

 22,792 total views Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-4 ng Pebrero 2024, Mk 1,29-39 Sa dulo ng binasa nating ebanghelyo, sinasabi ni San Markos, “Nangangaral siya sa mga sinagoga at nagpapalayas ng dimonyo.” Hindi ito parang dalawang magkahiwalay na gawain para kay Hesus. Magkaugnay ang dalawa. Ang pumapasok sa isip ko ay ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TRUE LIGHT FROM TRUE LIGHT

 17,925 total views

 17,925 total views Homily for the Feast of the Lord’s Presentation, 02 February 2024, World Day for Consecrated Persons, Lk 2:22-40 Today’s Feast is traditionally called CANDLEMAS, or the Feast of the Holy Encounter. In his story of the presentation of the child Jesus, aside from the Holy Family, St Luke has two other important characters—

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top