Gabayan ang mga botante sa paghalal ng tunay na lider ng bansa, tungkulin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,035 total reads

Ipinaliwanag ni Parañaque Bishop Jesse Mercado na ang paggabay sa mamamayan sa pagpili ng mga wastong lider ng bayan ay hindi maituturing na partisan politics.

Nilinaw ng Obispo ang pagiging neutral ng simbahan lalo na sa mahahalagang usapin na nagdudulot ng kabiguang makapaghalal ng lider na magtataguyod sa kabutihan ng pamayanan.

Ayon kay Bishop Mercado mahalagang matulungan ang mananampalatayang pagnilayan at suriin ang karakter ng bawat kumandidato sa kapakinabangan ng bayan lalo na ng susunod na henerasyon.

“We should accompany and encourage our people to make the right choice. And this is our new understanding of what non-partisanship is,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mercado.

Una nang nanindigan si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na mananatiling non-partisan ang simbahang katolika sa kabila ng pag-eendorso ng ilang grupo ng mga layko.

Subalit iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi ito nangangahulugang pabayaan ng simbahan ang mamamayan sa pagpili ng mga lider kundi higit pinalalawak ang voter’s education upang maunawaan ng taumbayan ang tunay na hangarin ng isang kandidato.

Samantala, ipinaalala naman ni CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa mga kapwa lingkod ng simbahan na pakaingatan ang pagkakilanlan bilang alagad ng simbahan upang hindi makompromiso ang misyon nito.

Batid ng obispo ang ilang pari, madre at relihiyoso na hayagang sumusuporta sa partikular na kandidato lalo na sa national level kaya’t paalala nitong mas palawakin ang pagbibigay gabay sa 67-milyong botante sa pamamagitan ng pagpapakilala sa karakter ng nagpapapiling lider.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 51,909 total reads

 51,909 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 131,479 total reads

 131,479 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 164,926 total reads

 164,926 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,224 total reads

 200,224 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 424,684 total reads

 424,684 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top