Huwag kalimutan ang marahas na alaala ng Martial Law at pandarambong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 965 total reads

Hinimok ng 1987 Constitutional framer ang mga Filipino na gunitain ang alaala ng Martial Law para mas mapabuti ang paglilingkod sa bayan sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. mahalagang maalala ang mapait na karanasan at katotohanan sa pamamahala ng diktadurang Ferdinand Marcos lalo ngayong marami ang nakalilimot at pilit na baguhin ang kasaysayan.

Sinabi ni Bishop Bacani na labis ang katiwalian sa panahon ng rehimeng Marcos kung saan inapi at dinambong ang buong bayan kasama na ang pandaraya sa ginanap na snap elections noong 1986.

“Kailangan maalala natin ang mapait na katotohanan sa diktadurang Marcos hindi para sa ganung hindi maghilom ang sugat na hanggang ngayon ay dinaranas mula sa rehimeng Marcos kundi upang mapagaling ang ating kinabukasan,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Umapela rin ang Obispo sa publiko na huwag pabayaang maulit ang kasaysayan ng pandarambong sa bayan.

“Harinawa alalahanin po ninyo na sa pagboto sa eleksyon huwag nating pabayaan na maging pangulo ng ating bansa ang isang Marcos sapagkat hanggang ngayon ay hindi humihingi ng paumanhin at kapatawaran sa bayang Filipino ang kanilang pamilya,” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Batid din ng Opisyal ang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos na hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik sa taumbayan.

Sa pinakahuling datos na ibinahagi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) nasa P172.4-billion pa lamang ang nabawing yaman mula sa pamilya Marcos habang nasa 125-bilyong piso pa ang kasalukuyang ‘under litigation.’

February 25, 1986 nang mangyari ang makasaysayang bloodless revolution nang magkaisa ang mga Filipino sa pangunguna ng mga lingkod ng simbahan sa pagharap sa pwersa militar kasunod ng panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Ito rin ang naging susi sa matagumpay na pagwakas sa dalawang dekadang pamumuno ni dating pangulong Ferdinand Marcos kkung saan umiral ang Martial Law na ikinasawi ng tatlong libong indibidwal, 70-libong nakulong at 34-libong nakranas ng pang-aabuso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 28,480 total reads

 28,480 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 59,752 total reads

 59,752 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 137,898 total reads

 137,898 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 232,125 total reads

 232,125 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 291,607 total reads

 291,607 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top