‘Truth and morality’ sa social media, hamon sa Simbahan-ayon sa pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

Matagal ng kumikilos ang Simbahang Katolika sa ‘social media’ para magbigay o magpakalat ng impormasyon sa mamamayan na pawang katotohanan at may moralidad.

Ayon kay Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at Presidente ng TV Maria, nakasaad sa Inter Mirifica, isang decree na ginawa ng konseho ng Vatican II na ipinalaganap noong December 4, 1963 na ang media ay maging daan para sa pagkakaisa, kapayapaan at katotohanan.

Sinabi ng pari na sa kasalukuyan, madalas na ang ipinapakalat na impormasyon ay pawang kasiraan ng kapwa, na sanhi ng pag-away-away at pagkakahati-hati ng tao.

Dahil dito, pinayuhan din ni Fr. Bellen ang publiko lalo na ang mga may access sa social media na bago ipakalat ang nabasang impormasyon tiyakin na ito ay may katotohanan at hindi nakasisira ng kapwa.

“Talaga naman ever since yung sa Vatican II kung maalala natin yung mga documents ng Simbahan inilabas ang ‘Inter mirifica’, ito ang challenge sa atin sa Simbahan at those who practicing and using the media na kailangan na tayo ay maging daan upang magkaroon ng pagkakaisa, kapayapan at maayos gaya ng katotohanan na marinig natin sa media madalas, may mga tao talagang nagpapakalat ng maling impormasyon na sanhi ng pag-away-away ng tao, may mga tao naman na hindi alam how media works especially social media. Ito yung iba sine-share, nag ko-comment like ng like kaya lalong lumalala ang ating miscommunication,” pahayag ni Fr. Bellen.

Karamihan aniya ngayon, may mga blog na ang iba, binabayaran upang magsulat ng paninira o papuri sa isang tao kayat kinakailangan ng publiko na ikumpirma ang mga impormasyong ito bago ipakalat.

“Lalo na ngayon ang lahat ng tao may access sa social media, ang first thing kailangan i-confirm muna ito. Kung yung source ng iyong ibinabalita hearsay o totoo talaga. Sa panahon kasi ngayon marami ang nagba-blog, may mga tao yung blog na ito punong-puno ng kanilang personal opinion, walang masama sa opinyon pero minsan kasi may mga malice na kasama para siraan ang tao o institusyon at kapag nailabas na ito may mga taong nagla-like at nag se-share. I think the first thing na need gawin I confirm ito, yung iba may binayaran, nakalulungkot na part na may pinaka-malaking kita is sa PR, they will write an article for you or against you and people would pay you for that. Nag la-like and share naman ang tao without confirming ano ba itong source na ito, tama ba o mali,” ayon pa kay Fr. Bellen.

Kaugnay nito, ayon kay Fr. Bellen, hanggang ngayon aktibo ang Simbahang Katolika para maipakalat ang katotohanan at moralidad sa social media. Ito ay sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lahat ng institusyon partikular sa mga layko na aktibo sa social media na ang layunin ay magpaliwanag at magtanggol ng naaayon sa katotohanan at sa turo ng Simbahan.

“Alam ninyo sa Simbahan, nakikipag-partners tayo sa lahat ng institusyon especially sa layko na involved sa social media, in fact si bishop Pabillo isa sa ating kakampi. In fact pag ikaw ay sa social media, if they gang up on you pagtutulungan ka nila parang ikaw tatahimik ka na lang maraming galit sa iyo, kasi mas maingay yung kabilang side, so what we are doing right now we are organizing yung mga taong pag medyo alam mong hindi naman totoo yung impormayon na kumakalat o may debate o nag aaway sa social media, sama sama tayo at ang ating pasensiya ay malakas and we have the truth, and we care about etiquette, di tayo nakikipag-away o kundi in a very civilized manner we explain and lay down mga facts and we interpret this facts ayon sa katotohan sa turo ng Simbahan,” paliwanag pa ng pari.

Una ng nanawagan sa publiko ang Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang ‘October prayer intention’ na ipanalangin ang mga mamamahayag na maging bukas sa pagsasabi ng katotohanan sa kanilang iniuulat sa publiko na ang katotohanang ito ay magbubunga ng kaayusan sa sangkatauhan at hindi ng pagkasira ng bawat isa.

Noong 2014, sa ulat ng Internet and Mobile Marketing Association of the Philippines (IMMAP), nasa mahigit 38 milyon ang bilang ng mga Filipinong may access sa Facebook lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 13,702 total reads

 13,702 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 55,246 total reads

 55,246 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 162,123 total reads

 162,123 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 206,789 total reads

 206,789 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 228,390 total reads

 228,390 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 243,698 total reads

 243,698 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 375,137 total reads

 375,137 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top