Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga magsasaka sa Brooke’s Point dahil sa pagmimina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 837 total reads

Nangangamba si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona para sa kalagayan ng mga magsasaka sa Brooke’s Point, Palawan dahil sa epekto ng pagmimina.

Kaugnay ito sa binabalak na muling ipagpatuloy ang pagmimina sa Barangay Ipilan, Brooke’s Point na proyekto ng Lebach Mining Corporation kasunod ng pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ban on open-pit mining.

Ayon kay Bishop Mesiona, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mission, lubhang maaapektuhan ng pagmimina ang kabuhayan ng mga magsasaka dahil sa mga ginagamit na kemikal na mapanganib kapag napunta sa mga pananim.

Sinabi ng obispo na nagreresulta rin sa malawakang pagbaha ang pagmimina lalo na kapag may kalamidad dahil ang mga tubig na magmumula sa mga pinatag na kabundukan ay bababa sa paanan ng bundok at direktang makakaapekto sa hanapbuhay ng mga magsasaka.

“Maapektuhan na naman ang mga magsasaka dahil sa chemicals na gagamitin sa pagmimina. Tiyak tayo na pag umuulan at bumabaha ay pupunta ito sa mga palayan at sakahan ng mga magsasaka,” pahayag ni Bishop Mesiona sa panayam ng Radio Veritas.

Nauna nang sinabi ni Bishop Mesiona na ang pagmimina sa Palawan ang dahilan ng madalas nang pagbaha sa lalawigan na naranasan noong Disyembre 2021 dulot ng Bagyong Odette.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot sa halos limang bilyong piso ang halaga ng mga nasirang pananim dahil sa pinsalang iniwan ng bagyo.

Nananawagan naman si Bishop Mesiona sa mga kinauukulan na gampanan nang wasto ang kanilang mga tungkulin na isinasaalang-alang ang kapakanan ng kalikasan at taumbayan bago pahintulutan ang mga ganitong uri ng proyekto.

“Kaya panawagan po natin sa kinauukulan na pag-isipang maigi bago ipagpatuloy ang planong pagbubukas ng minahang ito,” ayon kay Bishop Mesiona.

Ang Lebach Mining Corporation na nakatuon sa nickel ore extraction project ay kabilang sa 28 minahan sa bansa na sinuspinde noong 2017 ng dating Department of Environment and Natural Resources Secretary at yumaong si Gina Lopez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 3,359 total reads

 3,359 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 45,609 total reads

 45,609 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 152,485 total reads

 152,485 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 197,152 total reads

 197,152 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 219,258 total reads

 219,258 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 106,370 total reads

 106,370 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top