Pari, atubili sa panukalang 4-day work week

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total reads

Unahin ang kapakanan ng mga manggagawang nakabase ang kita sa pang araw-araw na trabaho sa halip na bigyang prayoridad ang ikabubuti ng negosyo ng mga kapitalistang negosyante.

Ito ang pagbibigay diin ni Father Jerome Secillano – Catholics Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs (CBCP-PCPA) Executive Secretary sa usapin ng pagsusulong ‘4-days work week scheme’ na suportado ng ilang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor ng pagnenegosyo.

“Unahin din sana ng pamahalaan ang pag-aayos sa mga isyu na makaka-apekto sa mga empleyado bago pa man tingnan kung ano ang mabuting ma-idudulot ng polisiyang ito sa mga kapitalista at estado,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ng Pari.

Inihayag ng pari na bagamat layunin ng polisiya na makatulong sa bawat mamamayan upang maibsan ang pang araw-araw na gastusin ay dapat isaalang-alang ng pamahalaan ang magiging epekto sa mga manggagawa.

Iginiit ni Father Secillano na sakali mang maipatupad ang 4-days work week ay dapat magkaroon ng mga malinaw na polisiyang magsisilbing gabay upang manatiling maayos ang produksyon at pagseserbisyo ng mga negosyo sa kani-kanilang sektor.

“Dapat ding siguraduhin ang pagkakaroon ng mekanismo na gagabay sa lahat ng sektor ng paggawa ang pagiging “efficient” sa pagbibigay ng serbisyo publiko lalo na nga at apat na araw na lang ang ilalaan sa pagta-trabaho,”

Una ng ikinabahala ng Trade Union Conggress of the Philippines (TUCP) ang kalusugang pisikal at mental ng mga manggagawang maapektuhan ng polisiya.

“Unahin din sana ng pamahalaan ang pag-aayos sa mga isyu na makaka-apekto sa mga empleyado bago pa man tingnan kung ano ang mabuting ma-idudulot ng polisiyang ito sa mga kapitalista at estado,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ng Pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 73,117 total reads

 73,117 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 121,036 total reads

 121,036 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,907 total reads

 168,907 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,854 total reads

 272,854 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,527 total reads

 355,527 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top