Panunumbalik ng face-to-face classes, pinuri ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total views

Ikinabahala ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang resulta ng isinagawang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Lumabas sa pag-aaral ng UNICEF na isa lamang sa 10 mga batang nasa edad 10-taong gulang ang nakakabasa sa Pilipinas.

Dahil dito, pinuri ni Jose Allan Arellano – CEAP Executive Director ang panunumbalik sa paaralan nang may 3.1-milyong mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan sa bansa.

Inihayag ni Arellano na malaking balakid sa learning development ng mga estudyante ang 2-taong pagkaantala ng face to face classes.

“Mabuti naman at nakakabalik na ang mga bata sa mga paaralan. Nakakabahala ang resulta ng pagsusuri na wala halos natututuhan ang mga mag aaral sa bahay ayon sa UNICEF, lalo na sa Pilipinas. Kulelat na naman tayo,” ayon sa mensaheng ipinadala ng CEAP sa Radio Veritas.

Upang makabalik sa pagtuturo ang mas marami pang mga pribadong paaralan ay isinumite na rin ng CEAP sa DEPED Private Education Office ang kanilang mga apela.

Ayon sa CEAP, iba at mas mahirap ang mga pamantayan ng DEPED sa mga private schools bago sila pahintulutang makapag-daos ng pisikal na klase.

“Masyado mahigpit ang DepEd sa mga pribadong paaralan kaya hindi agad makabalik ang mga bata sa maraming paaralan. Mas mahirap ang mga pamantayan nila sa amin. Ipinaalam na namin to sa Private Ed Office ng DepEd,” ayon pa kay Arellano.

Magugunitang mayroong mahigit 1,600 mga Katolikong paaralang ang kasapi ng CEAP.

Sa kasalukuyan mayroon nang halos 14-libong pribado at pampublikong paaralan na nasa low-risk areas mula sa COVID-19 ang nagsasagawa ng limited face to face classes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 31,677 total views

 31,677 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 64,759 total views

 64,759 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 93,110 total views

 93,110 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 160,841 total views

 160,841 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 181,772 total views

 181,772 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top