Bigyan ng panahon ang Paschal Triduum, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 599 total reads

Umapela ng pakikiisa si Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa mananampalataya sa paggunita ng mga Mahal na Araw lalo na sa Paschal Triduum.

Sa panayam ng Radio Veritas, umaasa ang arsobispo na bigyang pagkakataon ng mananampalataya ang pagdalo sa mga gawain ngayong semana santa lalo’t binuksan na sa publiko ang mga simbahan makaraan ang dalawang taon bunsod ng pag-iingat sa COVID-19.

Batid ni Archbishop Jumoad na marami ang nagbabakasyon tuwing mga Mahal na Araw kasama ang pamilya.

“Bilang mga kristiyano kailangan bigyan natin ng panahon na we really reflect and attend the rites/rituals in our particular cathedral or churches; may panahon naman talaga na tayo ay makapunta sa dagat o mamasyal pero huwag sana sa Holy Thursday or Good Friday,”pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Paliwanag ng arsobispo na hindi magandang halimbawa bilang katoliko na isantabi ang mga Mahal na Araw lalo na ang paschal triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na tanda ng matagumpay na pagtubos sa kasalanan ng sangkatauhan.

Iginiit ni Archbishop Jumoad na ang paschal triduum lalo na ang muling pagkabuhay ni Hesus ang sentro at pundasyon ng pananampalatayang kristiyano.

Nanawagan ang Arsobispo na kung hindi maiiwasan ang pagbakasyon ngayong semana santa tiyaking makiisa sa mga banal na gawain sa pinakamalapit na simbahan sa mga lugar na pupuntahan.

“I really ask our Catholic faithful if they go to vacation then they should also choose a place where there is a church near to where they are staying; as much as possible celebrate especially the Easter Sunday because it is the core of our faith, without resurrection then our faith is nothing,” giit ni Archbishop Jumoad.

Umaasa ang arsobispo na gawing makabuluhan ng mananampalataya ang semana santa at makiisa sa mga tradisyunal na gawain sa mga simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,289 total reads

 67,289 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,009 total reads

 146,009 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,456 total reads

 179,456 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 214,753 total reads

 214,753 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 438,516 total reads

 438,516 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top