Dance challenge para sa kalikasan, inilunsad ng Diocese ng San Carlos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 538 total reads

Naglunsad ng dance challenge ang Diocese of San Carlos bilang bahagi ng pagdiriwang sa Earth Day 2022.

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza na sa iba’t ibang krisis na nangyayari sa kapaligiran, kinakailangan ang agarang pagkilos ng bawat isa upang iligtas ang ating nag-iisang tahanan sa tuluyang pagkasira.

“With the recent issues regarding the arrests of the scientists, killing & blatant red-tagging of environmental defenders and worsening climate, a sense of urgency is a must to live in a world where we can benefit from,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Hinihimok din ni Bishop Alminaza ang mananampalataya na makibahagi sa “Tiktok Dance Challenge” na layuning ipalaganap sa pamamagitan ng pagsasayaw ang kamalayan hinggil sa nagaganap na climate change crisis.

“Dance for the environment; Dance for the planet; Dance for our future,” ayon sa Obispo.

Hinamon din ng obispo sina San Carlos Vicar General Monsignor Edwin Magnanao, Oeconomus Father Alwen Jimenez, Social Action Assistant Chairman at Ecology and the Environment head Fr. Juluis Tormis, Chancellor Fr. Marjun Almario, at Secretary to the Bishop Fr. Angeles Gidayawan, Jr. na makibahagi sa dance challenge.

Noong 2020 nang unang naglunsad ng dance challenge ng diyosesis sa inisyatibo ni Bishop Alminaza upang mahikayat ang mga mananampalataya na magkaisa at ipakita ang pangangalaga sa inang kalikasan.

Ang Earth Day ay ipinagdiriwang tuwing April 22 na nagsimula noong taong 1970 sa Estados Unidos na ngayon ay ipinagdiriwang ang ika-52 anibersaryo.

Una nang inanyayahan ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’ ang bawat indibidwal na makibahagi at maging instrumento ng Panginoon sa pagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan batay sa ating kultura, karanasan, at talento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 61,304 total reads

 61,304 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 140,288 total reads

 140,288 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,733 total reads

 173,733 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,031 total reads

 209,031 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,092 total reads

 433,092 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,332 total reads

 157,332 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top