12 nanalong Senador, naiproklama na ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 916 total reads

Opisyal ng iprinoklama ng National Board of Canvassers na binubuo ng COMELEC En Banc ang 12 bagong senador na inihalal ng taumbayan sa naganap na 2022 National and Local Elections noong ika-9 ng Mayo.

Batay sa Canvass Report No.7 na kinabibilangan ng 172 na mga Certificate of Canvass o COC mula sa kabuuang 173 na mga COC, ay nangunguna na may pinakamadaming boto sa pagkasenador ang aktor na si Robin Padilla na nakakuha ng 26,612,434 na boto.

Sinundan naman siya ni Antique Rep. Loren Legarda na may 24,264,969 na boto,

Nasa ikatlong puwesto naman ang broadcaster na si Raffy Tulfo na may 23,396,954 na boto.

Na sinundan naman nina Win Garchalian na nakakuha ng (20,602,655 boto);

Chiz Escudero na mayroong (20,271,458 boto);

Mark Villar (19,475,592 boto);

Allan Peter Cayetano (19,295,314 na boto);

Migz Zubiri (18,734,336 na boto);

Joel Villanueva (18,486,034 na boto);

JV Ejercito (15,841,858 boto);

Risa Hontiveros (15,420,807 boto)

at ang huli ay si Jinggoy Estrada na nakakuha ng (15,108,625 na boto).

Nilinaw naman ng pamunuan ng COMELEC na hindi na makakaapekto sa 12 nanalong senatorial candidate ang natitirang mga hindi naipadalang boto mula sa Lanao del Sur at Shanghai, China kung saan inaasahan ang pagsasagawa ng special election sa ika-24 ng Mayo, 2022.

Nauna ng nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na igalang ang kagustuhan at desisyon ng taumbayan batay sa magiging resulta ng halalan sa bansa, kung saan dapat na magkaisa ang sambayanan upang tumulong sa mga bagong halal na opisyal ng bayan para sa ikabubuti at ikauunlad ng buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 7,654 total reads

 7,654 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 57,785 total reads

 57,785 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 79,986 total reads

 79,986 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 116,482 total reads

 116,482 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 336,700 total reads

 336,700 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top