Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 909 total reads

Kapanalig, ngayong mga panahon na ito, mas lumilitaw ang mga iba iba anyo ng karahasan na nararanasan ng babae sa lipunan.

Naging komon ang salitang “misogyny” at “slut-shaming.” Ang mga katagang ito ay halos walang eksaktong katumbas o pagsasalin sa ating lenggwahe. Kadalasan, “bastos” lamang ang ating sinasabi. Para sa maraming kababaihan, mababaw pa ang salitang “bastos” para sa lalim ng sakit na dala ng mga salita at aksyon na ginagamit laban sa kababaihan. Ang mga pambabastos na ito ay hindi lamang minsanan. Isa itong way of life, kapanalig, para sa maraming mga mamamayan, hindi lamang sa ating bayan, kundi sa buong mundo.

Sa ating mga komunidad na lang mismo, kapanalig, makikita natin na ang babae ay tila target lagi ng pang-alipusta. Kahit pa milya-milya na ang layo ng naabot ng mga kababaihan, kahit pa napakarami nilang accomplishments sa kanilang propesyon, may mga tao pa rin na dinidiskwento ang mga tagumpay na ito at hinuhusguhan sila base sa kanilang katawan, suot, o personal na buhay. Ang ganitong uri ng panghuhusga ay hindi karaniwang ginagawa sa mga kakalalakihan.

Kaya nga’t ang terminong “misogyny” ay nagiging mas kilala ngayon sa atin. Ito ay nangangahulugang ng malalim na poot sa mga babae. Nakikita ito sa karaniwang mga nangyayari sa ating mga komunidad. Halimbawa, kung ang lalake ay marami ng partners, tawag sa kanya ay macho. Kapag ang babae ay maraming naging boyfriend, tawag sa kanya ay: mga salitang hindi na dapat marinig sa radyo o TV. Sa mga lalake, ang pagkakaroon ng seksual na karanasan ay parang “badge of honor.” Mas marami, mas tumitindi ang lalake. Sa babae, ito ay naging badge of shame. Parehong panig, tila sablay, diba? Malayo sa tama; malayo sa pagsasabuhay ng dignidad ng tao, babae man o lalake. Sa ganitong double-standard, hindi lamang babae ang dehado. Tayong lahat, kapanalig, talo dito.

Kapanalig, base sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa sa limang babae may edad 15-49 ay nakaranas na ng physical violence simula ng edad 15. 14.4% naman ng mga babaeng may-asawa ay nakaranas na ng physical abuse sa kanilang asawa, at 37% ng mga separada o biyuda ay nakaranas na rin ng physical violence sa kanilang naging asawa. Ayon pa sa NDHS, isa sa 25 na babaeng may edad 15-49 na may sexual experience na ay napwersa lamang sa kanilang unang karanasan. Isa rin sa sampung babae may edad 15-49 ay nakaranas na ng sexual violence.
Kailangan nang, mawala ang karahasan laban sa kababaihan, sa salita man o sa gawa. Napakahirap mabuhay ng matiwasay at may dignidad kung mula sa loob ng bahay hanggang sa kalakhan ng lipunan ay nakakararanas ng pambabastos ang kababaihan.

Kaya nga’t napakatapang, kapanalig, ng mga kababaihan. Wika ka nga sa ingles, “They hold half the sky,” at ginagawa nila ito kahit pa marami sa atin ang kumukutya sa kanilang pagkatao. Kapanalig, ang panlipunang turo ng Simbahan ay nagbibigay importansya sa dignidad nating lahat bilang anak ng Diyos. Sana ay tumalima tayo sa mga gabay nito. Lagi tayong inuudyok nito na bigyang galang ang dangal ng lahat, babae man o lalake. Paalala ng Gaudium et Spes: Ano pa man ang ating pagkaka-kaiba, ang ating dignidad ay pantay-pantay, babae man o lalake. Lahat tayo ay may karapatan sa patas at makatarungang sitwasyong panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 127,774 total reads

 127,774 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 171,131 total reads

 171,131 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,887 total reads

 220,887 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 380,083 total reads

 380,083 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 401,373 total reads

 401,373 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kasaysayang ayaw nating maulit

 127,775 total reads

 127,775 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 171,132 total reads

 171,132 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,888 total reads

 220,888 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 380,084 total reads

 380,084 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »
Scroll to Top