Isabuhay ang kahalagahan ng komunikasyon.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 984 total views

Ito ang mensahe ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari at Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) sa paggunita ng ‘World Communication Day’ noong May 29 kasabay ng Ascension Sunday o Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Hesus.

Ayon kay Bishop Mallari, mahalaga ang komunikasyon at mga gampanin ng mga kompanya’t manggagawang nagtatrabaho sa larangan upang manatili ang pagkakaisa at pag-unlad.

Inihalintulad din ni Bishop Mallari ang komunikasyon sa ‘dugo’ na simbolo ng buhay dahil ito ang nagbibigay buhay at naghahatid ng mga importanteng balita sa buong daigdig.

“Salamat sa Diyos dahil nabibigyan ng importansiya ang Social Communication, Maaring ikumpara ito sa dugo ng katawan na nagbibigay ng oxygen at buhay sa bawa’t bahagi ng katawan, Mahalaga ito sa paglalakbay natin ng sama-sama upang walang naiiwan lahat kasama, kasama lahat,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Obispo sa Radio Veritas.

Umaasa naman si Bro. Jun Cruz – Pangulo ng SLP na hindi makalimutan ng bawat isa ang pangako ng Panginoong Hesus Kristo na mananaig ang kabutihan at katotohanan.

Hinimok din ni Cruz sa bawat isa na patuloy na pagtingala, pananalangin at pagkilos upang makarating pa sa mas nakakarami ang mga gawaing katulad ng Laudato Si Movement na layuning isabuhay ang panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco na alagaan ang daigdig.

“Pagkilos at pagtutulungan, kahit lamang sa ating mga pamilya at pamayanan. Bagamat merong pinagdaanang hirap sa ekonomiya ang bayan natin at ang buong mundo, mananaig pa rin ang kabutihan, ang buhay at ang katotohanan. Iyan ang pangako ni Jesus, na siyang daan, katotohanan at buhay,” pagbabahagi ni Cruz sa Radio Veritas.

Sa pagtatapos ng Marian Month of May o Buwan ng Debosyon sa Mahal na Birheng Maria at 56th World Communications Day, hinimok ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang bawat kristiyano na pakinggan ang hinaing at pangangailangan ng kapwa.

Naging mensahe rin ni Pope Francis ang kahalagahan ng tunay na pakikinig gamit ang puso upang mabatid ang mga mensaheng nais iparating sa lipunan at maisabuhay ang diwa ng pakikipag-diyalogo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 118,464 total views

 118,464 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 162,072 total views

 162,072 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 243,585 total views

 243,585 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 250,711 total views

 250,711 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top