Synodal consultations, nagdulot ng pagkakaisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 823 total reads

Ibinahagi ng Archdiocese of Cebu Commission on the Laity na mas nagbuklod ang iba’t ibang mandated religious organizations sa isinagawang synodal consultations.

Ayon kay LayKo Cebu Chairperson Fe Barino nagdulot ng pagkakaisa sa mga lingkod ng simbahan ang konsultasyon na makatutulong sa pagpapaunlad ng paglilingkod sa kawan ng Panginoon.

“One good thing happened lalo dito sa Archdiocese of Cebu as far as the lay people are concerned, we have organized all lay organizations under the Commission on the Laity, we group them into councils,” pahayag ni Barino sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Barino na naging magandang bunga ng synodal consultations pagbuklod buklod ang iba’t ibang grupo at higit napakinggan ang mga mungkahi para sa ikabubuti ng paglilingkod sa simbahan.

Isa si Barino sa kasapi ng Cebu Archdiocesan Synodal Team na nangangasiwa sa konsultasyon sa mga parokya at mga sektor ng lalawigan.

Kabilang sa pinakinggan ng grupo ang mga uring manggagawa kabilang na ang mga mangingisda at magsasaka, mga nasa larangan ng sining at teatro, gayundin ang LGBTQ+ community.
Pinuri ni Barino ang hakbang ni Pope Francis na Synod on Synodality sapagkat nabigyang pagkakataon ang mga maliliit na grupo sa pamayanan na mapakinggan ang kanilang mungkahi sa simbahan.

Sa darating na June 14 isasagawa ng arkidiyosesis ang Metropolitan Synodal Consulatations kasama ang suffragan dioceses ng Dumaguete, Maasin, Tagbilaran at Talibon na gaganapin sa IEC Convention Center sa Cebu.

Layunin ng pagtitipon na mabalangkas ang synthesis mula sa mga diocesan consultations at maipasa para sa national synodal conventions.

October 2021 nang ilunsad ni Pope Francis ang Synod on Synodality bilang paghahanda sa Synod of Bishops na gagawin sa October 2023 sa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 55,821 total reads

 55,821 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,162 total reads

 135,162 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,607 total reads

 168,607 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 203,905 total reads

 203,905 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,193 total reads

 428,193 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top