Balakin ng DOF na taasan ang singil sa buwis at excise tax, kinundena ng FDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 708 total reads

Kinundena ng Freedom From Debt Coalition (FDC) ang pagsusulong ng Department of Finance (DOF) ng mga patakarang taasan ang buwis at dadagdagan ang mga industriyang papatawan ng excise tax.

Ayon kay Rene Ofreneo – Pangulo ng FDC, anti-poor at hadlang ang mga panukala sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ito ay dahil tanging mga mahihirap lamang ang papasan ng panibagong pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Iginiit ni Ofreneo na tanging mayayaman lamang ang magbebenipisyo sakaling maipatupad ang bagong polisiya sa pagbubuwis na pinangangambahang pahinain ang kakayahan ng mamamayan na makabili ng kanilang pangangailangan.

“Regressive because the present system of taxation is regressive and tilted in favor of the rich. Most of the government revenues come from EVAT and excise taxes levied on consumption goods, most of which are bought by the poor,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Ofreneo sa Radio Veritas.

Iminungkahi naman ng FDC na upang higit na mapaunlad ang ekonomiya ay paiiralin ng pamahalaan ang wastong sistema at makataong pagbubuwis.

Ayon kay Ofreneo, dapat ding wakasan ng pamahalaan ang anumang gawain ng korapsyon kasabay ng mas pinaigting na paghuli sa mga smugglers na makakatulong upang makabawi ang ekonomiya mula sa pagkalugi.

Nakikiisa rin ang FDC sa mga mungkahi na patawan ng mas malaking buwis ang mga pinaka-mayayaman at malalaking korporasyon sa bansa.

“As to other sources of revenues which the government can use to rev up the economy: postpone debt servicing for several years (negotiate with domestic and foreign lenders), review and reduce spending on military and non-essential items, and yes, have an honest-to-goodness crackdown on corruption. On the last, the best way to do this is make an example of big-time smugglers, corrupt contractors of government by haling them to court and putting them behind bars,” ayon pa kay Ofreneo.

Naniniwala rin si Ofreneo nq napapanahon na ring ipawalang bisa o muling pag-aralan at baguhin ang mga umiiral na panuntunan sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law upang mahimok ang mga foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas.

Ang pagtataas at pagpapataw ng Value Added Tax (VAT) sa mga bilihin at maging sa mga digital online streaming platforms ay iminungkahi ni Outgoing Finance Secretary Carlos Dominguez III sa mga bagong talagang opisyal ng DOF bilang karagdagang paraan upang mapabilis ang pagbabayad ng Pilipinas ng utang sa parehong mga foreign at local loan programs.

Una naring kinundena ni Father Eric Adoviso – Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern Minister ang pagsusulong ng VAT hike at maging ang pagtataas ng singil sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 13,743 total reads

 13,743 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 95,350 total reads

 95,350 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 128,799 total reads

 128,799 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 164,098 total reads

 164,098 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 390,175 total reads

 390,175 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top