Prelatura ng Marawi, nagbigay ng pabahay sa 49-pamilyang bakwit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 853 total reads

Ibinahagi ng Prelatura ng Marawi na naipagkaloob na sa ilang pamilya ng internally displaced person (IDP) ang mga bahay na magiging pangmatagalang tahanan.

Ayon sa pahayag ni Bishop Edwin Dela Peña, 49- pamilya ng mga IDP na sakop ng St. Mary’s Cathedral Parish sa Marawi ang nakalipat na sa kanilang mga tahanan sa CFC ANCOP Canada Winnipeg-Prelature of Marawi Community sa Brgy. Maria Cristina, Baloi, Lanao del Norte.

Sinabi ng obispo na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng simbahan sa mga biktima ng Marawi siege sa tulong ng mga programa tulad ng munting pamayanan na tututok sa pagpapalago ng pananampalataya ng komunidad.

“Accompaniment with them will be a continuing mission for the tri-partners which include building them into Gagmayng Kristohanong Simbahan (GKS), ongoing formation for them to deepen their faith-life, values formation, introducing livelihood program and scholarships for the youth and children,” bahagi ng pahayag ni Bishop Dela Peña.

Pinasalamatan ng obispo ang mga katuwang ng prelatura na maisakatuparan ang proyekto ang CFC ANCOP-Canada/Lanao at ang Tanging Yaman, Foundation sa pangunguna ni Jesuit priest Fr. Manuel ‘Manoling’ Francisco.

Ang mga benepisyaryong IDP’s ay nanunuluyan sa sa Tent City nang mapinsala ang bahagi ng Marawi na labis naapektuhan ng digmaan noong 2017 nang kubkubin ng ISIS-inspired Maute group ang Islamic city.

“We hope to engage more partners to be able to sustain this lofty dream of making it a showcase of rehabilitating the lives of our bakwit communities,” ani Bishop Dela Peña.

Batay sa ulat ng pamahalaan halos kalahating milyong mamamayan ng Marawi ang lumikas noong digmaan limang taon na ang nakalilipas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,895 total reads

 73,895 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,386 total reads

 152,386 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,834 total reads

 185,834 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,131 total reads

 221,131 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,661 total reads

 444,661 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top