Obispo binalaan ang mga labis na naghahangad sa kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Hinimok ng opisyal ng Office on Stewardship ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na ituon ang atensyon kay Hesus upang magkamit ang buhay ng walang hanggan.

Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo makakamit ng tao ang labis na kasiguraduhan sa buhay kung matutuhang ipagkatiwala sa Panginoon ang lahat ng bagay.

“Huwag tayong maghanap ng security, ng kasiguraduhan sa buhay. Magtiwala tayo sa Diyos. Ibigay natin ang full attention natin sa kanya. Demanding si Jesus kasi hindi siya tumatanggap ng compromises. Iyan ang buhay niya at iyan ang hinihingi niya sa atin kasi iyan ang magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan,” ayon sa pagninilay ni Bishop Pabillo.

Batid ng opisyal ang mga hamong kinakaharap ng tao sa kasalukuyang panahon tulad ng pandemya na kumitil ng buhay sa milyong-milyong katao at nagpabagsak sa ekonomiya ng buong mundo.

Hinimok ng obispo ang lahat na mas paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon upang mapagtagumpayan ang bawat pagsubok.

Sinabi ng obispo na kung hindi nakatuon kay Hesus ang buhay ng mamamayan madalas itong nahuhulog sa kasamaan at lalong panghihinaan sa bawat hamong nararanasan.

Ipinaalala rin ni Bishop Pabillo sa mamamayan ang masamang kahahantungan sa labis na paghahangad ng kapangyarihan sa lipunan na magdudulot ng pang-aabuso sa kapwa.

“Power is dangerous, even religious power. It can easily be abused. Kailangan mahubog tayo sa pamamaraan ni Hesus,” ani Bishop Pabillo.

Paalala ni Bishop Pabillo sa mananampalataya na hindi dapat mangamba ang mamamayan sa iba’t ibang karanasan sapagkat hindi pinababayaan ni Hesus ang lahat ng sumusunod sa kanya kundi matatamo nito ang buhay na walang hanggan kasama ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,508 total reads

 50,508 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,151 total reads

 130,151 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,598 total reads

 163,598 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,896 total reads

 198,896 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,425 total reads

 423,425 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top