Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PBBM, hinamong pagbutihin ang labor sector

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total views

Hinamon ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang susunod na administrasyon na mas pagtuunan ang pagpapabuti sa sektor ng mga manggagawa.

Ito ang pahayag ng obispo matapos na maitala sa State of the Global Workplace: 2022 Report na ang mga manggagawang Filipino ang pinakanakakaranas ng stress sa trabaho sa buong Southeast Asia.

Ayon kay Bishop Mangalinao, marahil ang kawalang-katiyakan sa trabaho at hindi sapat na sweldo lalo na nitong coronavirus pandemic ang nagiging sanhi ng matinding stress ng bawat manggagawa.

“Stressed out na talaga ang mga manggagawa natin. Palagay ko, isa sa mga kadahilanan na sabihin natin na 24/7 na ang pagtatrabaho, binibigay na ‘yung dugo, pawis, at buhay. Kumbaga hindi pa rin umaangat ang kanilang buhay, hindi pa rin sumasapat ‘yung kita,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Sa nasabing 2022 Report, nanguna ang Pilipinas kung saan 50 porsyento ng mga manggagawa ang nakakaranas ng stress, kasunod nito ang Thailand na may 41 porsyento at pangatlo naman ang Cambodia na may 38 porsyento.

Kaya sinabi ni Bishop Mangalinao na malaking hamon ang kakaharapin ng bagong administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang mapabuti at matulungan ang mga higit na apektado ng kasalukuyang krisis.

“Isang malaking hamon sa panibaong pamahalaan kung paano talaga matutulungan itong mga manggagawa na wala namang hinihingi kun’di ‘yung tamang pamamalakad sa trabaho, tamang pagpapasweldo, at sabi nga tamang work environment,” ayon sa Obispo.

Hinihiling naman ng Obispo na nawa’y tuparin ng bagong administrasyon ang kanilang mga pangako at plataporma tungo sa ikabubuti ng lipunan lalo na sa mga manggagawa.

“Dalangin ko na makita ng panibagong administrasyon ang kanilang magagawa dahil sila ang nasa pwesto na lubhang makakatulong sa lahat ng ating mga manggagawa,” dagdag ni Bishop Mangalinao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 77,120 total views

 77,120 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 144,608 total views

 144,608 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 165,673 total views

 165,673 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 186,625 total views

 186,625 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 217,694 total views

 217,694 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top