Synodality, naunang isinabuhay ni San Pedro at San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,139 total reads

Inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na naunang isinabuhay nina Apostol San Pedro at San Pablo ang synodality.

Ayon sa cardinal, kapwa isinabuhay ng dalawang banal ang misyon ni Hesus kaya’t itinuring itong pundasyon ng simbahang katolika.

Ito ang ibinahagi ng arsobispo sa misang ginanap sa Sts. Peter and Paul Parish sa Makati City sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

“Truly, one can say that our patrons Saints Peter and Paul, were men of synodality. They walked with the church. They were pioneers of the church on the move, the church in mission,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng cardinal na sa kabila ng kahinaan nina Apostol Pedro at Pablo ay buong kababaang loob itong sumunod sa tawag ng Panginoon na maglingkod sa kawan na ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

Si San Pedro ang pinagkatiwalaan ni Hesus sa simbahang magbubuklod sa mananampalataya habang si San Pablo naman ang tagapagpahayag ng Mabuting Balita sa iba’t ibang dako ng daigdig.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang mananampalataya ng parokya sa pangunguna ni Msgr. Gerardo Santos na isabuhay ang tema ng kapistahan na ‘SAMPIRO in Synodality, Here comes everybody’ upang patuloy na paglingkuran ang nasasakupang mananampalataya.

“Let the theme of the fiesta be your guide as you continue the work of the new evangelization. Journey together in the catechetical life of the parish in particular, the work of catechesis in different public schools in the parish and journey together in the service of the poor,” pahayag ng cardinal.

Ikinagalak ni Cardinal Advincula ang patuloy na pagyabong ng pananamapalataya ng parokya sa nakalipas na 400 taon mula nang itatag ng mga misyonerong Heswita ang simbahan noong 1620.

Bukod kay San Pedro at San Pablo itinalaga ring patron ng parokya ang Virgen de la Rosa de Makati na ipagdiriwang ang kapistahan sa June 30.

Batid ng opisyal ang magandang halimbawa ng mga patron ng parokya na magiging gabay sa bawat mananampalataya sa pagsasabuhay sa misyon ng Panginoon lalo’t ang Virgen de la Rosa de Makati ang tinaguriang patron ng Makati City.

Ang Sts. Peter and Paul Parish ay isa sa 93 parokya ng Archdiocese of Manila na pinangangasiwaan ni Cardinal Advincula.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 12,882 total reads

 12,882 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 43,703 total reads

 43,703 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 84,262 total reads

 84,262 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 109,725 total reads

 109,725 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 157,992 total reads

 157,992 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 178,222 total reads

 178,222 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top