Organic farming, isinusulong ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 702 total reads

Isinusulong ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang organic farming bilang mapagkukunan ng pagkakakitaan at paraan din ng pangangalaga sa inang kalikasan.

Ayon kay Bishop Pabillo, ito ang magandang isulong sa Palawan upang mapakinabangan ng tama ang mga likas na yaman sa halip na pahintulutan ang mga gawaing nakakasira sa kapaligiran.

Tinukoy ng Obispo ang pagkakaingin at dynamite fishing na talamak sa Palawan dahil sa kahirapan at walang mapagkukunan ng maayos na hanapbuhay.

“Sa lupa namin ay maraming nagkakaingin bunga ng kahirapan ng mga tao kaya nagkakaingin na lang sila na nakakasira naman ng mga kabundukan. Tapos isa rin ay ‘yung ilegal na pangingisda tulad ng dynamite fishing na dapat ‘yan ay maayos na binabantayan ng bantay dagat at the same time ay ang kaalaman ng mga tao tungkol dito,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Sa halos isang taon pa lamang na pamamatnubay ni Bishop Pabillo sa Apostoliko Bikaryato, kanya nang nakitaan ng malaking pakinabang ang mga malalawak na lupain dito upang pagsimulan ng organic farming.

Paliwanag ng Obispo na sa natural na pagsasaka, maliit na pondo lamang ang kakailanganin para mapanatili ito at hindi na rin kakailanganin pa ang mga abono at pesticides dahil maliban sa magastos, ay mapanganib din ito sa kalikasan.

“Sa pamamagitan ng organic farming, trabaho lang ang dapat na kukunin natin kasi makakakuha naman ng mga organic materials para hindi na masira ‘yung ating lupain,” saad ni Bishop Pabillo.

Magmula nang umiral ang COVID-19 pandemic sa bansa, patuloy na isinusulong ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual ang organic farming sa mga tahanan upang matugunan ang kakulangan sa suplay ng pagkain.

Sa paraan ding ito itinataguyod ang Kilusang Plant-based Diet o pagkain ng mga prutas at gulay tungo sa pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 108,429 total reads

 108,429 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 145,215 total reads

 145,215 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 175,790 total reads

 175,790 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 224,196 total reads

 224,196 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 285,781 total reads

 285,781 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 55,198 total reads

 55,198 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top