Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Synodality, naunang isinabuhay ni San Pedro at San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,010 total views

Inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na naunang isinabuhay nina Apostol San Pedro at San Pablo ang synodality.

Ayon sa cardinal, kapwa isinabuhay ng dalawang banal ang misyon ni Hesus kaya’t itinuring itong pundasyon ng simbahang katolika.

Ito ang ibinahagi ng arsobispo sa misang ginanap sa Sts. Peter and Paul Parish sa Makati City sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

“Truly, one can say that our patrons Saints Peter and Paul, were men of synodality. They walked with the church. They were pioneers of the church on the move, the church in mission,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ipinaliwanag ng cardinal na sa kabila ng kahinaan nina Apostol Pedro at Pablo ay buong kababaang loob itong sumunod sa tawag ng Panginoon na maglingkod sa kawan na ipinagkatiwala sa kanilang pangangalaga.

Si San Pedro ang pinagkatiwalaan ni Hesus sa simbahang magbubuklod sa mananampalataya habang si San Pablo naman ang tagapagpahayag ng Mabuting Balita sa iba’t ibang dako ng daigdig.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang mananampalataya ng parokya sa pangunguna ni Msgr. Gerardo Santos na isabuhay ang tema ng kapistahan na ‘SAMPIRO in Synodality, Here comes everybody’ upang patuloy na paglingkuran ang nasasakupang mananampalataya.

“Let the theme of the fiesta be your guide as you continue the work of the new evangelization. Journey together in the catechetical life of the parish in particular, the work of catechesis in different public schools in the parish and journey together in the service of the poor,” pahayag ng cardinal.

Ikinagalak ni Cardinal Advincula ang patuloy na pagyabong ng pananamapalataya ng parokya sa nakalipas na 400 taon mula nang itatag ng mga misyonerong Heswita ang simbahan noong 1620.

Bukod kay San Pedro at San Pablo itinalaga ring patron ng parokya ang Virgen de la Rosa de Makati na ipagdiriwang ang kapistahan sa June 30.

Batid ng opisyal ang magandang halimbawa ng mga patron ng parokya na magiging gabay sa bawat mananampalataya sa pagsasabuhay sa misyon ng Panginoon lalo’t ang Virgen de la Rosa de Makati ang tinaguriang patron ng Makati City.

Ang Sts. Peter and Paul Parish ay isa sa 93 parokya ng Archdiocese of Manila na pinangangasiwaan ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 74,520 total views

 74,520 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 142,008 total views

 142,008 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 163,073 total views

 163,073 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 184,096 total views

 184,096 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 215,408 total views

 215,408 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top