Organic farming, isinusulong ni Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total reads

Isinusulong ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang organic farming bilang mapagkukunan ng pagkakakitaan at paraan din ng pangangalaga sa inang kalikasan.

Ayon kay Bishop Pabillo, ito ang magandang isulong sa Palawan upang mapakinabangan ng tama ang mga likas na yaman sa halip na pahintulutan ang mga gawaing nakakasira sa kapaligiran.

Tinukoy ng Obispo ang pagkakaingin at dynamite fishing na talamak sa Palawan dahil sa kahirapan at walang mapagkukunan ng maayos na hanapbuhay.

“Sa lupa namin ay maraming nagkakaingin bunga ng kahirapan ng mga tao kaya nagkakaingin na lang sila na nakakasira naman ng mga kabundukan. Tapos isa rin ay ‘yung ilegal na pangingisda tulad ng dynamite fishing na dapat ‘yan ay maayos na binabantayan ng bantay dagat at the same time ay ang kaalaman ng mga tao tungkol dito,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Sa halos isang taon pa lamang na pamamatnubay ni Bishop Pabillo sa Apostoliko Bikaryato, kanya nang nakitaan ng malaking pakinabang ang mga malalawak na lupain dito upang pagsimulan ng organic farming.

Paliwanag ng Obispo na sa natural na pagsasaka, maliit na pondo lamang ang kakailanganin para mapanatili ito at hindi na rin kakailanganin pa ang mga abono at pesticides dahil maliban sa magastos, ay mapanganib din ito sa kalikasan.

“Sa pamamagitan ng organic farming, trabaho lang ang dapat na kukunin natin kasi makakakuha naman ng mga organic materials para hindi na masira ‘yung ating lupain,” saad ni Bishop Pabillo.

Magmula nang umiral ang COVID-19 pandemic sa bansa, patuloy na isinusulong ni Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual ang organic farming sa mga tahanan upang matugunan ang kakulangan sa suplay ng pagkain.

Sa paraan ding ito itinataguyod ang Kilusang Plant-based Diet o pagkain ng mga prutas at gulay tungo sa pagkakaroon ng malusog at malakas na pangangatawan.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 12,883 total reads

 12,883 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 43,704 total reads

 43,704 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 84,263 total reads

 84,263 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 109,726 total reads

 109,726 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 157,993 total reads

 157,993 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 178,223 total reads

 178,223 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,696 total reads

 129,696 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top