Rights of Nature Act, muling isusulong sa 19th Congress

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 686 total reads

Muling isusulong sa 19th Congress of the Philippines ang pagsasabatas sa panukalang kilalanin ang karapatan ng kalikasan.

Ang Senate Bill No. 1097 o Rights of Nature Act of 2019 ay isinulong ni Senator Risa Hontiveros sa 18th Congress na muling isinama ng senador sa kanyang first 10 priority bills para sa pagbubukas ng 19th Congress sa Hulyo 25.

Ang konsepto ng Rights of Nature Bill ay nagmula sa kampanya ng Philippine Miserior Partnership Inc. (PMPI) katuwang ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – NASSA/Caritas Philippines upang isulong ang karapatan ng inang kalikasan laban sa labis na pang-aabuso ng mga tao.

Ayon kay Mel Asia, Anti-Mining Campaign program officer ng PMPI, tulad ng mga tao, layunin ng panukalang batas na bigyan ng legal na pagkilala o mga karapatan ang kalikasan.

“Ito ay nagbibigay ng legal entity sa ating nature para hindi siya abusuhin. Para bigyan din natin ng pagtingin na kung ano ‘yung rights na nae-enjoy ng human, sana nae-enjoy din ito ng kalikasan, Halimbawa, ‘yung rights natin na mabuhay, sana ganun din ‘yung nature, meron din siya. Mag-thrive, mag-bloom, sana nirerecognize natin na may ganoong karapatan ang kalikasan,” pahayag ni Asia sa panayam ng Radio Veritas.

Kapag ganap nang naisabatas ang Rights of Nature Bill, inaasahang magbibigay-daan ito upang ang kalikasan, sa pamamagitan ng tao, pamayanan o grupo ay magkaroon ng karapatang makapagsampa ng kaso laban sa mga lumalabag sa mga umiiral na batas.

Sa kasalukuyan, naghahanap pa ng kinatawan ang PMPI upang maisulong muli sa mababang kapulungan ang panukalang batas na noo’y pinangunahan ng dating Quezon City 6th District Representative Congressman Kit Belmonte.

Nakasaad sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang relasyon ng tao sa kalikasan ay hindi maaaring ihiwalay sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa Diyos sapagkat mawawalan ito ng saysay at maituturing na pagpapakitang-tao lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 77,542 total reads

 77,542 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 112,243 total reads

 112,243 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 147,543 total reads

 147,543 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 373,812 total reads

 373,812 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 263,015 total reads

 263,015 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,104 total reads

 155,104 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top