AVOSA, lubos ang pasasalamat kay Bishop-Emeritus Paul Hinder

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 654 total reads

Pinasalamatan ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) si Bishop-Emeritus Paul Hinder sa taus-pusong paglilingkod sa mananampalataya sa Middle East.

Ayon kay AVOSA Vicar General Filipino Franciscan Capuchin Fr. Troy de los Santos, malaki ang naitulong ni Bishop Hinder na mapayabong ang kristiyanismo sa lugar na mayorya ay mga Muslim.

Inilarawan ng pari ang pagiging masigasig ng obispo sa pamamahala sa nasasakupang kawan kasama ang mga lingkod ng simbahan sa bikaryato.

“As a Missionary-Bishop you have encouraged us to step out without fear, as a pilgrim people into the mission. As our leader you have led us always with a heart for Christ and Christ’s people. You bear witness to the spirit within you, and you have led us with humility, wisdom and grace,” bahagi ng mensahe ni Fr. delos Santos sa Radio Veritas.

Tinukoy ng pari ang pagsisikap ni Bishop Hinder na magbuklod ang mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya sa Middle East at binigyang pagkakataon ang bawat isa na mapakinggan.

Pinamunuan ni Bishop Hinder ang Vicariate of Arabia ng 18 taon na may mahigit isang milyong katoliko o katumbas ng 2.3-percent sa kabuuang 43 milyong populasyon.

Tiniyak naman ni Fr. delos Santos ang pakikipagtulungan kay Bishop Paolo Martinelli ang bagong talagang obispo ng AVOSA upang maipagpatuloy ang mga programang sinimulan sa termino ni Bishop Hinder.

Sa mensahe ni Bishop Martinelli na isinalin ni Fr. delos Santos sa Filipino, sinabi nitong ipagpatuloy ang synodality batay sa panawagan ng Santo Papa Francisco.

“Sa pagsisimula ng aking paglilingkod, at alinsunod sa patnubay ni Papa Francisco, nais kong bigyang-diin ang kahalagahan na higit pang itaguyod ang sama-samang paglalakbay sa ating Simbahan,” bahagi ng mensahe ni Bishop Martinelli.

Sisikapin ng obispo na gampanan ang pagiging pastol ng bikaryato upang tulungang umunlad ang buhay pananampalataya at isulong ang pagiging simbahan sa iisang katawan ni Kristo na binubuo ng iba’t ibang kultura, espirituwal na tradisyon at maging ng mga rito.

Magugunitang aktibo ang mga Filipino migrants sa Middle East sa pakikilahok sa mga gawain ng AVOSA lalo na ang pagdalaw ni Pope Francis noong 2019. (With reports Rommel Pangilinan)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,202 total reads

 84,202 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,373 total reads

 118,373 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,673 total reads

 153,673 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,942 total reads

 379,942 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,879 total reads

 268,879 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top