Paggamit ng Filipino Sign language sa mga tanggapan, isinulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,057 total reads

Nilagdaan na ang kasunduan sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino, National Coordination Network for Deaf Organizations (NCNDO), at National Coordination Network for Interpreting (NCNI) na naglalayong pagtibayin ang paggamit sa Filipino Sign Language sa mga pampublikong pasilidad, serbisyo at transaksyon.

Ayon kay Wikang Filipino Commissioner Benjamin Mendillo, Jr. ang paglagda sa Memorandum of Agreement ay katibayan na ang KWF ay makakatuwang ng iba’t ibang deaf organization sa bansa upang palawigin ang Republic Act 11106 o ang Filipino Sign Language Act.

Ito rin ang tugon ng komisyon upang higit na tangkilikin, isagawa, kilalanin, pangalagaan at tiyaking wasto ang pagtatamo ng karapatang pantao, at ang simulaing naaayon para sa mga taong may kapansanan.

“Hinihimok ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na magkaroon din ng mga unit ng Filipino Sign Language na mayroong mga deaf interpreters at deaf advocates upang sanayin sila at magkaroon sila ng puwang sa inyong mga tanggapan upang ang lahat ng mga kanilang mga karapatan at kanilang mga adbokasiya ay marinig natin at sila ay ma-represent din sa inyong mga ahensya,” pahayag ni Mendillo sa panayam ng Radio Veritas.

Kasunod naman ng paglagda sa kasunduan ay pinasinayaan din ang Filipino Sign Language Office at Unit sa gusali ng KWF.

Ayon kay KWF Chairman Arthur Casanova na ang tanggapan ay magiging katuwang ng komisyon sa pagbabalangkas at pagpapatupad sa pagsusulong at pagtuturo ng FSL upang ganap na maitatag sa mga iba’t ibang pampublikong tanggapan.

Ang Filipino Sign Language Act ay isang batas na ipinatupad noong 2018 na nagdedeklara sa FSL bilang pambansang wikang senyas ng Filipino may kapansanan sa pandinig.

Kinilala ito ng World Federation of the Deaf bilang huwaran ng legal na pagkilala sa pambansang wikang senyas na matatagpuan lamang sa 40 bansa sa buong mundo.

Ang Komisyon sa Wikang Filipino ang mangungunang ahensya sa pagbabalangkas ng Implementing Rules and Regulations ng panukalang batas.

Ginanap naman ang paglagda sa kasunduan at pagpapasinaya sa FSL Office at Unit nitong Hulyo 6, 2022 sa Bulwagang Romuladez sa gusali ng Komisyon sa Wikang Filipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 20,447 total reads

 20,447 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 119,191 total reads

 119,191 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 202,221 total reads

 202,221 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 296,553 total reads

 296,553 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 357,397 total reads

 357,397 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 214,351 total reads

 214,351 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top