Booster shots sa pediatric population, sinimulan na sa Diocese ng Novaliches

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Nagsimula na sa Diocese of Novaliches ang pilot testing ng COVID-19 first booster shot para sa pediatric population o mga nasa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay San Bartolome de Novaliches Parish Parochial Vicar Fr. Harvey Bagos na patuloy ang pakikipagtulungan ng Diocese of Novaliches sa pamahalaang lungod ng Quezon para sa COVID-19 vaccination sa parokya upang makatulong sa pagbibigay proteksyon sa mga tao laban sa virus.

Hinihikayat naman ng pari ang mga magulang na may anak na nasa edad 12 hanggang 17 na pabakunahan ng booster shots ang mga bata lalo na kung lumagpas na sa limang buwan magmula noong matanggap ang second dose ng bakuna.

“Nagsisimula na po tayo ng ating pilot testing ng first booster ng mga bata, pedia ages 12 to 17. Kaya po inaanyayahan ko po ang lahat ng mga magulang na may anak na 12 to 17, kung ang inyo pong anak ay lumagpas na ng limang buwan sa kanilang second (vaccination), pwede na po kayo magpa-booster o makibalita sa announcement ng vaccination para sa inyong mga anak,” paanyaya ni Fr. Bagos.

Batay sa tala ng Quezon City COVID-19 Vaccination Tracker, umabot na sa higit anim na milyon ang bilang ng mga indibidwal na nakatanggap na ng first at second dose ng bakuna, gayundin ang booster shots.

Sa bilang, nasa higit isang milyon sa mga indibidwal ang nakatanggap ng una at ikalawang COVID-19 booster shots.

Maliban sa pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing, patuloy pa rin ang paghihikayat ng simbahan at pamahalaan na magpabakuna para sa karagdagang kaligtasan laban sa virus.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 8,512 total reads

 8,512 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 35,264 total reads

 35,264 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 75,823 total reads

 75,823 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 102,047 total reads

 102,047 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 150,314 total reads

 150,314 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 170,824 total reads

 170,824 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 129,400 total reads

 129,400 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top