Umento sa sahod, ‘unified minimum wage’ sa buong bansa; panawagan ng labor sector kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total views

Umaasa ang labor sector na tutuparin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang mga pangako na tulungan at mapabuti ang hanay ng manggagawa.

Ito ang panawagan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Buklurang ng Manggagawang Pilipino (BMP) kaugnay ng pagdaraos ng unang State of the Nation Address ng punong ehekutibo.

Ayon kay Ka Leody De Guzman-Chairperson ng BMP nawa ay hindi matulad ang pamumuno ni President Marcos sa mga nagdaang administrasyon kung saan nananatili ang banta ng kontrakwalisasyon at magkakaibang minimum wage ng mga manggagawa.

‘Itaas niya ang mga sahod ng mga manggagawa sa probinsya kasi ho walang batayan talaga yon, pareho lang ang bilihin sa probinsya’ ayon De Guzman sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang diin naman ni Jerome Adonis – KMU Secretary General na dapat pangunahan ng pamahalaan ang mga hakbang na iwaksi ang pag-uugnay sa mga labor leaders at members bilang kasapi ng makakaliwang grupo

Ayon kay Adonis, inilalagay nito sa panganib ang buhay ng mamamayang ipinaglalaban lamang ang karapatan bilang mga manggagawa

“Itigil yung red-tagging dahil ito ay isang kongkreto at gross violation sa amin bilang mga leader at mga unyonista na nilalabag completely mismo ng gobyerno mismo dahil sa pag-issue niya EO 70 na nag-create ng NTF-ELCAC, 56 ang pinatay under duterte administration,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Adonis.

Bagamat hindi nabanggit ni Pangulong Marcos ang pagbuwag ng kontrakwalisasyon at pagpapatupad ng iisang national minimum wage, sinabi naman ng pangulo sa kanyang talumpati ang pagbibigay daan ng trabaho ang mas maraming manggagawa sapagsasaayos at pagpaparami ng produksyon sa lokal na sektor ng agrikultura.

Una ng naging panawagan ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa Administrasyong Marcos ang pagpapatupad ng mga polisiyang tutulungan ang mga manggagawa at pagtatakda ng 750pesos national minimum wage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 15,187 total views

 15,187 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 45,410 total views

 45,410 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 72,061 total views

 72,061 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 167,034 total views

 167,034 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 187,347 total views

 187,347 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top