100-milyong pisong gastos sa SONA ng PBBM, binatikos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 766 total reads

Binatikos ni Father Angel Cortez, OFM ang naging gastos ng pamahalaan sa paghahanda sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Lunes ika-25 ng Hulyo, 2022.

Nagkakahalaga ng P100 milyon ang nagastos para sa pagpapaayos at pagpapaganda ng Batasang Pambansa Complex.

Sa pagninilay ni Fr. Cortez sa ginanap na Misa sa Immaculate Heart of Mary Parish o Claret Church para sa Sibuyan Red Tuesday: Walk for God’s Creation, sinabi nito na hindi makatarungan ang paglalaan ng 100 milyong pisong pondo lalo’t kinakaharap ng bansa ang iba’t ibang krisis.

Ayon sa pari, mas makakabuti kung ginamit na lamang ito bilang pantulong sa mga higit na nangangailangan.

“100 milyong [piso] na pwedeng pakainin ang maraming mga taong nagugutom. 100 milyon na pwedeng makatulong upang bigyan ng hanapbuhay ang mga taong hanggang ngayon ay wala pa ring hanapbuhay,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Cortez.

Iginiit ni Fr. Cortez na ang kahirapang nararanasan ng bansa ang lalong nagbubunsod upang pahintulutan ang pagpasok ng iba’t ibang proyektong sumisira sa kalikasan.

Halimbawa nito ang pagpasok ng kumpanyang Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan Island sa Romblon na ngayo’y nagdudulot ng pangamba sa mga residente.

“Hindi po natin hahayaan na sa Sibuyan Island ay tatalunin ng iilan lang ang mamamayan na talagang higit na nangangailangan ng pagkalinga ng bawat isa,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Cortez.

Magugunita sa SONA ni Pangulong Marcos, Jr na wala itong nabanggit hinggil sa usapin ng pagmimina ngunit binigyang-diin na dapat mahigpit na sumunod sa batas ang mga kumpanyang nananamantala sa mga likas na yaman ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,369 total reads

 73,369 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,492 total reads

 108,492 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,792 total reads

 143,792 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,061 total reads

 370,061 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,445 total reads

 259,445 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,949 total reads

 154,949 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top