CBCP-ECMI, dismayado kay pangulong Marcos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 872 total reads

Ikinadismaya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang kakulangan ng pagtalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga hakbang na tulungan ang Overseas Filipino Workers (OFW) na manatili at magtrabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Romblon Bishop Narcisso Abellana, chairman ng CBCP-ECMI, ipinakita sa unang State of the Nation Address (SONA) ng Punong Ehekutibo na pinapahalagahan lamang ng pamahalaan ang kikitain sa remittances o salaping ipinapadala ng mga O-F-W.

Ipinaliwanag ni Bishop Abellana na bagamat kinikilala ang pagpapalawak ng mga trabaho sa mga OFW sa ibang bansa ay mas nararapat tiyakin ng pamahalaan na mayroong trabaho at sapat na kita sa bansa ang mga Pilipino para hindi na maghanap ng trabaho sa ibayong dagat.

“There’s no plan to bring our OFW back to the Philippines so kailangan pa silang manatiling mag-work, separate parin sila sa kanilang pamilya, maraming magagandang balak na kailangan naman na matutustusan so siguro gusto niya manatili yung mga OFW sa abroad,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa kay Bishop Abellana.

Ito rin ang naging mensahe ni Father Roger Manalo Executive Secretary ng CBCP-ECMI sa SONA ng Pangulo.

Binigyan diin ng Pari na dapat tinutukan ng pamahalaan ang ‘Reintigration Program’ na magbibigay kabuhayan sa mga migrant worker na bumabalik sa Pilipinas matapos mawalan ng trabaho sa ibang bansa.

“Ang mga OFWs ay bumabalik, so ano yung ginagawa po ng government? kasi yan yung kulang natin pagdating po dito, underemployed nanaman po o kaya ay unemployed yun po yung what can the government do about the situation of the OFW when they return to the Philippines rather than just marketing yung OFWs po,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Manalo.

Ikinadismaya rin ng grupong MIGRANTE – HONG KONG ang kakulangan ng Pangulo na tugunan ang lokal na sektor ng mga manggagawa.

Ayon kay Dolores Balladares-Pelaez – Chairperson ng MIGRANTE – HONG KONG, ito ay dahil narin walang ibang layunin ang sektor ng mga OFW kungdi ang makauwi sa bansa at palagiang makasama ang kanilang mga pamilya.

Giit pa ni Pelaez, bagamat mas malaki ang kinikita ng mga OFW sa ibang bansa kumpara sa suweldo sa Pilipinas ay nananatiling mapanganib para sa sektor ang mga magtrabaho sa banyagang bansa.

Sa unang SONA ng Pangulo ay kaniyang natalakay ang paglulunsad ng Department of Migrant Workers (DMW) na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino na makapag-trabaho sa ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,302 total reads

 56,302 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,798 total reads

 142,798 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,835 total reads

 185,835 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,594 total reads

 235,594 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 394,120 total reads

 394,120 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top