SLP, nakikipagtulungan sa Caritas Philippines para sa mga apektado ng lindol sa Ilocos region

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,422 total reads

Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa at pananalangin sa lahat ng mga naapektuhan ng 7.3-magnitude na lindol sa lalawigan ng Abra noong ika-27 Hulyo, 2022.

Dasal ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Raymond Daniel Cruz, Jr. na nasa maayos at ligtas na kalagayan na ang mga mamamayan sa mga lugar na nakaranas na malakas na pagyanig.

Partikular namang ibinahagi ni Cruz ang kalungkutan sa idinulot na pagkasira ng lindol hindi lamang sa mga gusali, ari-arian at mga tahanan kundi maging sa mga luma at makasaysayang Simbahan sa Vigan at iba pang diyosesis sa Northern Luzon.

“Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay lubhang nag-aalala at nananalangin para sa kaligtasan at magandang kalagayan ng mga kabababayan at mga kapwa Laiko at Kaparian sa mga bayan na niyanig ng lindol. Nalulungkot din tayo sa sinapit na pagkasira ng mga gusali at kabahayan at pati na nang mga lumang simbahan sa Vigan at iba pang Diyosesis.” pahayag ni Cruz sa Radio Veritas.

Inihayag ni Cruz ang pakikipag-ugnayan ng S-L-P sa rapid assessment sa mga apektadong lugar upang malaman kung paano makapagpapaabot ng tulong at ayuda.

Nanawagan naman si Cruz sa bawat laiko na bukod sa pananalangin ay tumulong at magpaabot ng anumang kontribusyon sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa pamamagitan ng Caritas Philippines.

“Nakikipag ugnayan na ang Laiko sa NASSA/ Caritas Philippines upang makita ang rapid assessment sa mga lugar na ito at para malaman kung paano tayo makakatulong. Nananawagan tayo sa mga kasamahan natin sa SLP na tumulong at magpahatid nang anumang kontribusyon sa Caritas Philippines upang madalian ding maka-abot ito sa mga lugar na nangangailangan. Magdasal po tayo!” Dagdag pa ni Cruz.

Kaugnay nito, kumikilos na ang Caritas Philippines katuwang ang mga Social Action Center ng mga Diyosesis sa Northern Luzon para sa pagsasagawa ng rapid assessment sa lawak ng pinsala na idinulot ng malakas na lindol sa Ilocos region.

Kabilang sa mga Simbahang naapektuhan ng naganap na 7.3-magnitude na lindol sa lalawigan ng Abra ay ang Metropolitan Cathedral and Parish of the Conversion of St. Paul o mas kilala bilang Vigan Cathedral sa Archdiocese of Nueva Segovia kabilang na ang 23-mga parokya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 165,604 total reads

 165,604 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 195,772 total reads

 195,772 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 229,895 total reads

 229,895 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 286,301 total reads

 286,301 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 39,699 total reads

 39,699 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top