Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsusulong ng administrasyong Marcos sa nuclear power, pinuna ng mga opisyal ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 490 total views

Nananatili ang paninindigan ng Diyosesis ng Balanga laban sa napipintong pagbuhay sa Bataan Nuclear Power Plant.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) na muling susuriin ng administrasyon ang pagbuhay sa BNPP upang mapagkunan ng enerhiya ng bansa.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, sa halip na buhayin at isulong ang nuclear power ay dapat pagtuunan ng administrasyon ang masusing imbestigasyon sa maanomalyang pagpapatayo ng BNPP noong panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Pinayuhan ng Obispo ang pamahalaan na patuloy na isaalang-alang ang kaligtasan ng mamamayan at kalikasan lalo’t nakatayo ang BNPP malapit sa aktibong bulkan at fault line.

“Let us remember that it has never been operated on. It was mothballed. Previous studies and accepted facts that there were prevalent issues of corruption, safety, and deadly risk as it sits on an active volcano which is Mount Natib and along the Lubao fault,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit naman ng Obispo na kailanma’y hindi makakatulong sa ekonomiya at enerhiya ng bansa ang nuclear power dahil kaakibat nito ang panganib sa kalusugan ng tao at kapaligiran.

Samantala, tinutulan din ni Franciscan Father Angel Cortez ang magkasalungat na layunin ng pamahalaan hinggil sa pagtugon sa lumalalang climate change at krisis sa enerhiya ng bansa.

Ayon sa pari, magandang pakinggan na mayroong mga pangako at plano ang pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan at kalikasan ngunit nakababahalang may ilan pa ring hindi maisantabi para sa pansariling kapakanan.

Iginiit ni Fr. Cortez na hindi ganap na matutugunan ng pamahalaan ang epekto ng pagbabago ng klima ng kapaligiran kung patuloy pa ring isusulong ang paggamit sa marumi at mapanganib na enerhiya.

Sinabi ng pari na mas makabubuting isantabi na lamang ng administrasyon ang pagbuhay sa BNPP at sa halip ay paglaanan ng mas malaking pondo ang pagpapaigting sa pagsusulong sa renewable energy.

“Hindi rin talaga solusyon ang paggamit sa nuclear energy kasi alam naman natin ‘yung nangyari sa Japan noon tsaka sa ibang mga bansa na gumamit ng nuclear na talagang lubhang naapektuhan ang mga tao pati ang kapaligiran” ayon kay Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Magugunitang sinabi rin ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA na kaunahan sa climate agenda ng administrasyon ang pagsusulong sa renewable energy kasabay ng hangaring buhayin ang BNPP.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay gumagamit ng renewable energy sources kabilang na ang hydropower, geothermal at solar energy, wind power at biomass resources.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 18,184 total views

 18,184 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 29,162 total views

 29,162 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 62,613 total views

 62,613 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 82,926 total views

 82,926 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 94,345 total views

 94,345 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 7,638 total views

 7,638 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 10,701 total views

 10,701 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top