3,392 total views
Dalawampu’t apat na parokya sa Diocese ng Bangued, Abra ang napinsala sa naganap na 7.3 magnitude na lindol.
Ito ang inihayag ni Social Action Director Fr. Jeffrey Bueno ng Diocese of Bangued sa pinsalang idininulot ng lindol sa mga parokya mula sa 27 munisipalidad ng lalawigan.
Ayon kay Fr. Bueno, kabilang sa mga labis na napinsala ang gumuhong simbahan ng St. Catherine of Alexandria sa Tayum, Abra, na itinuturing na heritage site- ang pinakamatagal nang nakatayong simbahan sa Cordillera.
Kasama rin sa napinsala ang brick wall church sa Bangued na San Lorenzo Ruiz Shrine.
“Yung 24 parishes talagang affected, iba-ibang level ng damages sa mga parokya. Pero may mga churches din na talagang nawasak,” pahayag ng pari sa panayam ng radio Veritas.
Bagamat nakalulungkot ang sinapit ng lalawigan, hinimok ng Diocese of Bangued na patuloy na panampalataya sa Panginoon sapagkat buo ang pakikiisa ng simbahan, mga instistusyon, at pamahalaan na magpaabot ng tulong sa mga apektadong mamamayan.
Nagpasalamat naman ang pari sa mga taong nagsasagawa ng mga donation drive, kabilang na ang mga volunteers mula sa Baguio, bagama’t kabilang din sa naapektuhan ng malakas lindol.
“Talagang nakakaiyak, disheartening ang nangyari pero gusto kong sabihin na let’s not lose hope pa rin kasi may mga tao, may mga institution na kasama natin sa pagbangon sa sakunang naganap. I would like to thank again the government, katuwang ng simbhanan na gumagawa ng relief operation and recoveries for this lindol,” ani Fr. Bueno.
With Chris Agustin