Isang kawani ng Apostolic Nunciature sa Manila, pinarangalan ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,109 total reads

Ginawaran ng pagkilala ng Vatican ang kawani ng Apostolic Nunciature sa Manila.

Tinanggap ni Roger Tura ang Papal Benemerenti Medal Award bilang pagkilala sa 27 taong paglilingkod sa tanggapan ng Vatican sa Pilipinas.

Sa panayam ng Radio Veritas nagpasalamat si Tura sa Panginoon sa kalakasan at pagkakataong makapaglingkod sa simbahan sa pamamagitan ng pagsisilbi sa mga naging kinatawan ng Santo Papa sa bansa

“Napaluha ako sa tuwa dahil na-surprise ako, talagang si Lord ang nagbigay sakin ng lakas at daan para maipagpatuloy ko ang paglilingkod kaya ako po ay nagpapasalamat sa Panginoon at binigyan ako ng lakas para makapaglingkod sa ating simbahan,” bahagi ng pahayag ni Tura sa Radio Veritas.

Sa halos tatlong dekadang paglilingkod sa nunciature ay anim na Apostolic Nuncio ang kanyang pinagsilbihan mula 1995 kay Archbishop Gian Vincenzo Moreni, Archbishop Antonio Franco, Archbishop Fernando Filoni, Archbishop Edward Joseph Adams, Archbishop Giussepi Pinto’ Archbishop Gabriele Giordano Caccia at kasalukuyan si Archbishop Charles Brown.

Isa sa mga natatanging karanasan ni Tura sa Apostolic Nunciature ang pagdalaw ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2015.

Hiling ni Tura sa mamamayan na ipagpatuloy ang paglilingkod sa Panginoon at ipamalas ang kabutihan sa mga pinaglingkurang organisasyon sa simbahan gayundin ang pagpapamalas ng kabutihan sa kapwa.

“Hiling ko sana tulad ko sa mahabang panahon ng serbisyo nawa’y naging mabuting ehemplo ako sa pagsunod sa utos ng ating simbahan at maging inspirasyon na ipagpatuloy din ninyo ang inyong pagserbisyo sa simbahan,” ani Tura.

Bago maglingkod sa Apostolic Nunciature naging kawani si Tura sa Manila Cathedral sa loob ng sampung taon.

Batay sa kasaysayan unang iginawad ang Benemerenti Medal sa mga kasapi ng Papal Army noong ika – 17 siglo sa pangunguna ni Pope Pius VI habang 1832 sa pamamagitan ni Pope Gregory XVI ay pormal itong itinatag at pinalawig ang paggawad sa mga pari at layko bilang pagkilala sa mahabang panahon at natatanging paglilingkod sa simbahan.(norman)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,147 total reads

 84,147 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,321 total reads

 118,321 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,621 total reads

 153,621 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 379,890 total reads

 379,890 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 268,830 total reads

 268,830 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top