Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Bangued, magsasagawa ng relief intervention sa mga apektado ng lindol

SHARE THE TRUTH

 27,415 total views

Kumikilos na ang Diocese of Bangued sa lalawigan ng Abra para agad na makapagsagawa ng paunang pagtulong para sa mga naapektuhan ng paglindol.

Ayon kay Rev.Fr. Jeffrey Bueno, Social Action Director ng Diyosesis ng Bangued, nagsimula na ang kanilang on ground assessment at pagtukoy sa mga Parokya o Simbahan na may malaking pangangailangan ng pagtulong.

Aminado si Fr. Bueno na malaking pinsala ang iniwan ng Magnitude 7 na lindol sa lalawigan ng Abra kaya’t hindi magiging madali ang pagsisimula ng relief intervention ng Diyosesis na halos nasira din ang maraming imprastraktura, kapilya, at paaralan.

“Tinignan namin yun talagang affected na Churches yun mga school na sakop ng mga Parokya i-fofocus natin sa kanila yung ating intervention then may mga na-identify na kam ina pwedeng pagdalhan ng food packs, bukas ng umaga yung Social Action ng mational may pupunta na team dito at magdadala na din ng food packs.”Pahayag ni Fr. Bueno sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na ipapadaan nila sa mga Parokya at Kura Paroko nito ang tulong na kanilang ipaabot para sa mga apektadong residente.

“Sa mga Parishes in coordination with the Parish Priest para sila naman ang mag-identify ng mga nangangailangan doon sa areas nila, lalo na sa mga far-flung areas we will be dropping [goods] sa Parishes then they can help us to identify [beneficiaries]” dagdag pa ng Direktor ng Social Action ng Bangued Abra.

Bukas naman ang Diocese para sa ano mang tulong pinansiyal na nais ipaabot ng mga mananampalataya para makatulong sa kanilang gagawing relief operation.

Batay sa una nang panayam ni Fr. Bueno sa programang Veritas Pilipinas, sinabi nitong 24 na Parokya sa 27 Munisipalidad ng Abra Province ang napinsala ng lindol.

Para sa ano mang tulong o donasyon maaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Social Action Center ng Diocese of Bangued o kaya ay mag-deposito sa bank account na; PNB Savings Account Name: Roman Catholic Bishop of Bangued, account number; 222-6100831-94

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 6,554 total views

 6,553 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 25,125 total views

 25,125 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 50,625 total views

 50,625 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 61,426 total views

 61,426 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 1,304 total views

 1,304 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 32,832 total views

 32,832 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 46,124 total views

 46,124 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
1234567