Kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang kahirapan, binatikos ng KADAMAY

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 736 total views

Ikinadismaya ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang lumalalang krisis ng kahirapan sa Pilipinas.

Ayon kay Eufemia Doringo – Secretary General ng KADAMAY, ang kakulangan ng pamahalaan na alamin ang dinaranas na kahirapan dulot ng pandemya at krisis sa ekonomiya ang sanhi ng patuloy na pagdami ng mga mahihirap na pamilya sa bansa.

“Parami nang parami ang nagugutom at mahihirap, ang hindi maunawaan ng mga nasa Malacañang, iba ang kalam ng sikmura ng ordinaryong tao, sila kapag nagutom, dahil lang may “cravings” sila, Kami, dahil wala talagang makain,” pahayag ni Doringo sa Radio Veritas.

Sa pinakahuling Social Weather Station survey, umaabot na sa 12.2-milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap noong Hunyo 2022.

Kinundena rin ng KADAMAY ang patuloy na pagbabawas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na umabot sa 1.3-milyong pamilya at patuloy na pagdadagdag ng buwis sa mga bilihin at serbisyo.

“Maraming numero na binanggit si Marcos nung SONA, pero wala tayong narinig na numero para sa serbisyong sosyal. Magpa-update na lang ba sila habang nagdurusa ang mamamayan?,” ayon pa sa mensahe ni Doringo sa Radio Veritas.

Tiniyak naman ng KADAMAY ang pagpapatuloy ng mga programa upang matulungan ang urban poor families sa pamamagitan ng programang ‘Tanimang Bayan’ – Urban Gardening’ at ‘Kusinang Bayan’ titiyak na mayroong pagkain ang mahihirap.

Patuloy naman ang pagtugon ng Caritas Manila at iba pang church institutions sa pangangailangan ng mahihirap na pamilya. Sa pagsisimula ng pandemya noong 2020 hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa 2.5-bilyong piso ang nailaan na pondo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila upang matulungan ang mahihirap at ang mga nasalanta ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 49,837 total views

 49,837 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 93,445 total views

 93,445 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 176,913 total views

 176,913 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 190,332 total views

 190,332 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top